Pumunta sa nilalaman

Polandball

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang representasyon ng isang tagagamit sa Polandball.

Ang Polandball, na kilalá rin bílang countryball, ay isang meme sa Internet na gawa ng mga tagagamit, na kung saan nagmula ito sa seksiyong /int/ ng websayt na Krautchan.net sa Alemanya noong gitnang bahagi ng 2009. Makikita ang meme sa malaking bílang ng komiks sa Internet, na kung saan ang bawat bansa ay ipinapakita bílang isang bilugang tauhan na kadalasang gumagaya sa barok na Ingles, na pinupuna ang pambansang estereotipo at pandaigdigang ugnayan. Maaaring tawagin ang istiko ng komik bílang Polandball (kahit na walang anyong Polonya sa tauhan ng kartun) at countryball (o sa pangmaramihan ay countryballs sa Ingles).

Nagsimula ang polandball noong Agosto 2009 dahil sa isang 'cyberwar' sa drawball.com sa pagitan ng mga tagagamit ng Internet na gáling sa Poland kontra sa mga tagagamit gáling sa ibang parte ng mundo. Ang website na ito ay nag-aalok ng virtual canvass, kung saan puwedeng gumuhit ng kahit ano ang sinuman, maski sa mga guhit ng ibang tao. May nakaisip na gumuhit ng bandera ng Poland sa isang bola, ito ang naging polandball, puti sa itaas na kalahati at pula sa ilalim, at may nakasulat na "POLSKA" sa gitna. Ang idea ay kinopya ng libo-libong taga-Poland na kumalat sa buong website. Dahil sa koordinasyon sa 4chan, tinabunan ito ng isang higanteng swastika.[1][2]

Ang Krautchen.net ay isang imageboard sa wikang Aleman, at ang seksiyong /INT/ay madalas na binibisita ng mga netizen (mamamayan ng Internet) na nagsasalita ng Ingles. Ang meme na polandball ay sinimulaan ng isang tinaguriang Falco, isang Briton sa /INT/, noong Setyembre ng 2009. Ginawa niya ito gamit ang Microsoft Paint para mag-"troll" kay Wojak, isang Polakong tagagamit na barok ang Ingles. Kinopya agad ito ng mga tagagamit gáling sa Rusya.[1][3][4]

Isang halimbawa ng komiks na "polandball" na naglalarawan ng pagsabog ng granada sa perya sa Lungsod ng Dabaw noong 2 Setyembre 2012.

Naging tanyag ang polandball pagkatapos ng pagbagsak ng eroplanong Tupolev Tu-154 ng Hukbong Himpapawid ng Polonya noong 2010 na nagresulta sa pagkamatay ni Lech Kaczyński, ang pangulo ng Polonya noon. Ang pangunahing batayan ng polandball ay ito ay nagsasagisag ng kasaysayan, ugnayang panlabas, at mga estereotipo ng Polonya at ng mga Polako,[3][5] lalo na ang pinaninindigan na megalomanya ng Polonya at nasyonalismo.[2] Ang mga interaksiyon sa pagitan ng mga countryball ay sinsusulat sa barok na Ingles at salitang balbal, pareho ng meme na Lolcat, at pagkatapos ay kaugalian na na ipakita ang Polonya na umiiyak (na sinadyang binaligtad ang mga kulay kung saan ang pula ay nasa itaas).[1][2]

Ang ibang komiks ng polandball ay nagsimula sa batayan na ang Rusya may kapabilidad na lumipad sa kalawakan, samantalang ang Poland ay wala. Isa sa mga pinakatanyag ay ang komiks kung saan isang bulalakaw ay malápit nang bumangga sa mundo, kung saan lahat ng mga bansa na mayroong teknolohiyang pangkalawakan ay nagsisipagalisan sa mundo. Sa kawakasan ng komiks, ang Polonya, na naiwan sa mundo ay ipinapakitang umiiyak at nagsasabing "Poland cannot into space" ("Hindi makapunta sa kalawakan ang Polonya") sa barok na Ingles.[3] Madalas itong ginagamit ng mga Ruso para tumapos ng mga diskusyon kung saan nagyayabang ang Polonya.[1][3][5] Isa pa sa mga komiks ay isang pagtuya ng historya at politika ng Polonya, kung saan ipinapakita ang polandball na nang-iinip ng ibang mga countryball sa isang talumpati. Nang sinabi nitong "So when we crushed Russia and the turks [sic] were were the biggest country in the world... and.." ("Kayâ noong sinugpo namin ang Rusya at ang mga Turko [sic] ang ang pinakamalaking bansa sa mundo... at.."), pinagtawanan ito ng ibang countryballs. Sa kainisan, tumugon ang Polonya ng kurwa! ("puta!"), kasabay ng pagpapakita ng senyas na "Internet serious business", tapos nagsimulang umiyak.[1][2][6]

Iba pang mga countryball

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang representasyon ng Britanya sa istilo ng polandball

Maaari ding magtampok ang ibang mga bansa na tinatawag rin na "polandball",[1] kahit na minsan ito ay tinatawag na countryballs.[4] Ayon sa Lurkmore.to, ang Bavaria ay mayroong sariling bola, at ibang mga bola ay ginagamit sa bawat isang estado ng Estados Unidos, Katalonya at Siberia, at iba pa. Ang Singgapur ay ipinapakita sa porma ng isang tatsulok na tinatawag na "Tringapore"; ang Israel ay ipinapakita sa porma ng isang hiperkubo (dahil sa pisikang Hudyo); ang Kazakhstan ay ipinapakita sa porma ng laryo; at ang Britanya ay ipinapakita na nakasuot ng trumpo at monokol.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Orliński, Wojciech (16 Enero 2010). "Wyniosłe lol zaborców, czyli Polandball" (sa wikang Polako). Gazeta Wyborcza. Nakuha noong 25 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Zapałowski, Radosław (15 Pebrero 2010). "Znowu lecą z nami w... kulki" (sa wikang Polako). Cooltura. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-08-05. Nakuha noong 22 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Kapiszewski, Kuba (13/2010). "Fenomem - Polska nie umieć kosmos" (sa wikang Polako). Przegląd. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Agosto 2014. Nakuha noong 26 Marso 2012. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. 4.0 4.1 "Polandball". Knowyourmeme. Nakuha noong 26 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Cegielski, Tomek (12 April 2011). "MEMY. Legendy Internetu" (sa wikang Polako). Hiro.pl. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 15 Abril 2011. Nakuha noong 24 Marso 2012. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong); line feed character in |date= at position 9 (tulong)
  6. "Polandball cartoon". Unknown. Unknown. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-26. Nakuha noong 26 Marso 2012. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  7. "Int" (sa wikang Ruso). Lurkmore.to. 26 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Abril 2021. Nakuha noong 27 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]