Pumunta sa nilalaman

Pornograpiya sa Canada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pornograpiya sa Canada ay nagbago mula pa noong dekada 1960 nang maipasa ang Criminal Law Amendment Act, 1968-69 [Ingles] na kumukontrol sa iba`t ibang batas na nauugnay sa mga pamantayang sekswal . Nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pagtukoy kung ang isang materyal ay malaswa o hindi sa paglilitis ng kasong R v. Butler. Ang mga batas sa kahalayan ay hinamon bilang lumalabag sa kalayaan ng pagpapahayag sa paglilits ng R. v Butler. Mula noon, nagkaroon na ng mas mainam na batayan upang matugunan ang ganitong pangyayari.[1]

Ang isang pag-aaral noong 2009 sa Unibersidad ng Montreal ay hindi nakakita ng anumang mga kalalakihan, na kinabibilangan ng 20 taong kinapanayam nila, sa kanilang edad na 20 na nagsabing hindi pa napapanood o nakakita ng pornograpiya.[2]

Ang pagbebenta ng hardcore na pornograpiya ay labag sa batas sa Canada sa sinumang wala pang 18 taong gulang (19 sa ilang mga lalawigan), ngunit ang sinumang higit sa edad na iyon ay maaaring magmay-ari o magkaroon ng mga pornograpikong materyales.

Ang karamihan sa mga pornograpiya ay ibinebenta sa mga tindahang sekswal, sa mga websayt na pang-adulto o sa mga tindahan. Walang tiyak na batas na namamahala sa pamamahagi ng pornograpiya. Mayroong kapangyarihan ang ilang ahensiya ng Canada na ihinto ang pag-angkat ng mga materyal na ipinagbabawal sa ilalim ng mga batas tungkol sa kalaswaan .

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]