Port-au-Prince

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Port-au-Prince
Pòtoprens
Lungsod
Port-au-Prince
Port-au-Prince
Port-au-Prince is located in Haiti
Port-au-Prince
Mga koordinato: 18°32′N 72°20′W / 18.533°N 72.333°W / 18.533; -72.333Mga koordinato: 18°32′N 72°20′W / 18.533°N 72.333°W / 18.533; -72.333
Country Watawat ng Haiti Haiti
Department Ouest
Arrondissement Port-au-Prince
Commune Port-au-Prince
Founded 1749
Colonial seat 1770
Pamahalaan
 • Mayor Jean Yves Jason
Lawak
 • Lungsod 36.04 km2 (13.92 sq mi)
 • Metro 152.02 km2 (58.70 sq mi)
Populasyon (2009 est.[1])
 • Lungsod 897,859
 • Kapal 25,000/km2 (65,000/sq mi)
 • Metro 2,296,386[1]
 • Densidad sa metro 15,106/km2 (39,120/sq mi)
Sona ng oras EST (UTC-5)
Sinaunang mapa ng Hispaniola at Puerto Rico, circa 1639.

Ang Port-au-Prince ( /ˌpɔrtˈprɪns/; Pagbigkas sa Pranses: [pɔʁopʁɛ̃s]; Kriyolyong Haitian: Pòtoprens Padron:IPA-ht) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Haiti. Tinatayang nasa 897,859 ang populasyon ng lungsod noong 2009, at ang kalakhang sakop (aire métropolitaine) nito ay tinatayang may populasyong 2,296,386.[1] Itinatakda ng IHSI ang kalakhang sakop nito kung saan nakapaloob ang mga komuna ng Port-au-Prince, Delmas, Cite Soleil, Tabarre, Carrefour, at Pétion-Ville.

Nasa Golpo ng Gonâve ang lungsod ng Port-au-Prince. Ang Golpo ng Gonâve na nagsisilbing likas na daugan ay patuloy na napanatili ang mga gawaing pangkabuhayang mula pa noong kabihasnan ng mga Arawak. Una itong itinatag noong panahon ng pananakop ng mga Pranses noong 1749. Ang pagkakalatag ng lungsod ay katulad sa isang ampiteatro; malapit sa tubigan ang mga distritong pangkalakalan, habang ang mga sambahayan at matatapuan sa kaburulan. Mahirap matiyak ang populasyon ng lungsod dahil sa mabilis na pagdami ng mga iskwater sa libis ng mga burol sa taas ng lungsod; ngunit inilalagay ng mga kamakailang pagtataya ng populasyon ng kalakhan sa 3.7 milyon, na halos kalahati ng kabuuang populasyon ng bansa.

Lubhang nawasak ang Port-au-Prince ng lindol noong Enero 12, 2010, kung saan nasira ang malaking bilang ng mga istraktura. Tinaya ng pamahalaan ng Haiti na umabot sa 230,000 ang nasawi.[2]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]