Puerto Principe
Port-au-Prince Pòtoprens | |
---|---|
Port-au-Prince | |
Mga koordinado: 18°32′N 72°20′W / 18.533°N 72.333°W | |
Bansa | Haiti |
Department | Ouest |
Arrondissement | Port-au-Prince |
Commune | Port-au-Prince |
Founded | 1749 |
Colonial seat | 1770 |
Pamahalaan | |
• Mayor | Jean Yves Jason |
Lawak | |
• Lungsod | 36.04 km2 (13.92 milya kuwadrado) |
• Metro | 152.02 km2 (58.70 milya kuwadrado) |
Populasyon (2009 est.[1]) | |
• Lungsod | 897,859 |
• Kapal | 25,000/km2 (65,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 2,296,386[1] |
• Densidad sa metro | 15,106/km2 (39,120/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC-5 (EST) |
Ang Port-au-Prince ( /ˌpɔrtoʊˈprɪns/; Pagbigkas sa Pranses: [pɔʁopʁɛ̃s]; Haitiyanong Kriolyo: Pòtoprens Padron:IPA-ht) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Haiti. Tinatayang nasa 897,859 ang populasyon ng lungsod noong 2009, at ang kalakhang sakop (aire métropolitaine) nito ay tinatayang may populasyong 2,296,386.[1] Itinatakda ng IHSI ang kalakhang sakop nito kung saan nakapaloob ang mga komuna ng Port-au-Prince, Delmas, Cite Soleil, Tabarre, Carrefour, at Pétion-Ville.
Nasa Golpo ng Gonâve ang lungsod ng Port-au-Prince. Ang Golpo ng Gonâve na nagsisilbing likas na daugan ay patuloy na napanatili ang mga gawaing pangkabuhayang mula pa noong kabihasnan ng mga Arawak. Una itong itinatag noong panahon ng pananakop ng mga Pranses noong 1749. Ang pagkakalatag ng lungsod ay katulad sa isang ampiteatro; malapit sa tubigan ang mga distritong pangkalakalan, habang ang mga sambahayan at matatapuan sa kaburulan. Mahirap matiyak ang populasyon ng lungsod dahil sa mabilis na pagdami ng mga iskwater sa libis ng mga burol sa taas ng lungsod; ngunit inilalagay ng mga kamakailang pagtataya ng populasyon ng kalakhan sa 3.7 milyon, na halos kalahati ng kabuuang populasyon ng bansa.
Lubhang nawasak ang Port-au-Prince ng lindol noong Enero 12, 2010, kung saan nasira ang malaking bilang ng mga istraktura. Tinaya ng pamahalaan ng Haiti na umabot sa 230,000 ang nasawi.[2]
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Port-au-Prince " ng en.wikipedia. |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Mars 2009 POPULATION TOTALE, POPULATION DE 18 ANS ET PLUS MENAGES ET DENSITES ESTIMES EN 2009" (PDF). http://www.ihsi.ht/. Institut Haïtien de Statistique et d’Informatique (IHSI). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Nobyembre 2014. Nakuha noong 19 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|website=
- ↑ "Haiti Raises Earthquake's Death Toll to 230,000". Associated Press. 2010-02-09. Nakuha noong 2010-02-10.
{{cite news}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)