Porta Pia
Itsura
Ang Porta Pia ay isang tarangkahan sa mga Pader Aureliano ng Roma, Italya. Isa sa mga pagpapaunlad pansibiko ni Papa Pio IV sa lungsod, pinangalanan ito sa kaniya. Nakatayo sa dulo ng isang bagong kalye, ang Via Pia, ito ay idinisenyo ni Michelangelo bilang kapalit ng Porta Nomentana na matatagpuan ilang daang metro sa timog, na sarado sa panahong ito. Nagsimula ang konstruksiyon noong 1561 at natapos noong 1565, pagkamatay ng eskultor. Ginugunita ng isang 1561 pang-alaalang tansong medalya ni Gianfederico Bonzagna ang nagpapakita ng isang maagang plano ni Michelangelo, ibang-iba sa kaniyang huling disenyo.[1] Ang patsada sa labas ng lungsod ay nakumpleto noong 1869 sa ilalim ng disenyo ng Neoklasisistang si Virginio Vespignani.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Michelangelo: money and medals". Bronze medal of Pius IV, by Gianfederico Bonzagna. Online Tours. British Museum. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Agosto 7, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga midyang may kaugynayan sa Porta Pia sa Wikimedia Commons