Pumunta sa nilalaman

Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/3

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Logo ng Microsoft Windows

Ang Microsoft Windows ['maɪˌkɹaʊsɒft 'wɪndəʊs], kilala rin sa katawagang Windows ['wɪndəʊs] o MS-Windows ['ɛmɛs 'wɪndəʊs], ay isang kamag-anakan ng mga kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang kapaligirang pampamamalakad at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT.

Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc..