Pumunta sa nilalaman

Portada:Agham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Portada   Pahina ng Proyekto
edit
Ang Portada ng Agham

Académie des Sciences

Ang agham o siyensiya ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito. Ang prosesong makaagham (scientific process) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong kaalaman tungkol sa isang sistema. Karaniwan, ang pamamaraang makaagham (scientific method) ay ang sistematikong pagtamo, at ang kalikasan at iba't ibang bahagi nito ang siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham na prosesong ito.

Itinatampok na Artikulo

Logo ng Microsoft Windows
Ang Microsoft Windows ['maɪˌkɹaʊsɒft 'wɪndəʊs], kilala rin sa katawagang Windows ['wɪndəʊs] o MS-Windows ['ɛmɛs 'wɪndəʊs], ay isang kamag-anakan ng mga kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang kapaligirang pampamamalakad at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT.

Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc..

Itinatampok na Larawan

Mars
Mars
Kuha ng: Dave Jarvis at karga ni Thangalin

Ang mga planeta at mga bituin ay mga bagay na pangkalawakan. Tinatawag ding tala o buntala ang mga planeta at lumilibot sa mga bituin o mga tira o labi ng mga bituin. Samantala, isa namang katawan ng plasma ang bituin at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. May kani-kaniyang sukat at bigat ang mga planeta at mga bituin.

Itinatampok na Biyograpiya

Isaac Newton
Si Sir Isaac Newton, PRS (Disyembre 25 1642 (OS) – Marso 20 1727 (OS) / Enero 4, 1643 (NS) – Marso 31 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensyang siyentista sa kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.

Ang kanyang monograpong Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na inilambag noong 1687 ang naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng klasikal na mekaniks. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton ang unibersal na grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang nanaig sa siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na ang mga mosyon(galaw) ng mga obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang selestiyal(celestial bodies) ay pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ayon ng mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis ng pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw) at nagpasulong ng rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na isinulat.

Sa matematika, si Newton ay kahati ni Gottfried Leibniz sa karangalan ng pagbuo ng kalkulo. Kanya ring ipinakita ang teoremang binomial ang bumuo ng paraang Newton na pagtatantiya ng mga ugat ng isang punsiyon at nag-ambag sa pag-aaral ng mga seryeng kapangyarihan.

Si Newton ay isa ring napakarelihiyosong tao. Siya ay sumulat ng mas marami tungkol sa hermeneutikong Biblikal at pag-aaral okulto kesa sa agham at matematika. Sikretong itinakwil ni Newton ang Trinitarianismo ng Katolismo dahil sa takot na maakusahan ng pagtanggi sa kautusang banal ng simbahan.

Alam mo ba...

Kaugnay sa Wikimedia

Purge server cache