Mga batas ng mosyon ni Newton

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Mga batas ng mosyon ni Newton ang tatlong mga pisikal ng batas na bumubuong basehan ng klasikal na mekaniks. Inilalarawan ng mga ito ang ugnayan ng mga puwersa na gumagalaw sa isang katawan at ang mosyon(galaw) nito sanhi ng mga puwersang ito. Ang mga ito ay inihayag sa iba't ibang paraan sa loob ng tatlong siglo(300 taon) at maaaring ibuod sa sumusunod:

  1. Unang batas: Ang belosidad ng isang katawan ay nanatiling konstante maliban na galawin ng isang panlabas na puwersa.
  2. Ikalawang batas: Ang akselerasyon(a) ng isang katawan ay paralelo(parallel) at direktang proporsiyonal sa netong puwersa(net force)(F) at kabaligtarang proporsiyonal sa masa(mass) o F = ma.
  3. Ikatlong batas: Ang mutwal(mutual) na mga puwersa ng aksiyon at reaksiyon sa pagitan ng dalawang katawan ay magkatumbas, magkabaliktad at kolinyar(collinear).

Ang mga tatlong batas ng mosyong ito ay unang tinipon ni Isaac Newton sa kanyang akdang Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na unang inilimbag noong Hulyo 5, 1687. Ang mga ito ay ginamit ni Newton upang ipaliwanag at imbestigahan ang mga mosyon ng mga pisikal na obhekto(bagay) at mga sistema. Halimbawa, sa ikatlong bolyum ng mga tekstong ito, ipinakita ni Newton na ang mga batas ng mosyong ito kung pagsasamahin sa kanyang batas ng unibersal na grabitasyon ay magpapaliwanag sa mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler.