Konstante

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa matematika, ang konstante (Kastila: constante, Ingles: constant) ay isang halaga na hindi nagbabago. Sa kabalagigtaran, ang baryable ay isang halaga na maaaring magbago sa sakop na problema o hanay ng mga operasyon. Ang ilang halimbawa ng konstante sa matematika ay e at π na ginagamit sa heometriya, trigonometriya at kalkulo.

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.