Polynomial
Sa matematika, ang polinomial o damikay[1] ay isang pahayag na binubuo ng mga baryable, konstante at koepisyente, na nagsasangkot lamang ng operasyon ng pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at pagpapalakas sa mga di-negatibong buumbilang. Ang buning f:R R ay isang polinomial kung ito'y maisusulat bilang:
kung saan ang mga numerong ay miyembro ng pangkat ng mga real, at . Ang numerong ang siyang digri ng polinomial. Mga halimbawa ng mga polinomial ay (linyar), (kwadratiko), at (ikasampung digri ng polinomial).
Ang mga polinomial ay lumilitaw sa maraming larangan ng matematika at agham. Halimbawa, ang mga ito ay iginagamit upang bumuo ng mga ekwasyong polinomial, na nagkokodipika ng malawakang uri ng mga problema, mula sa mga elementaryang problemang salita hanggang sa mga masasalimuot na siyentipikong problema; ginagamit sila upang ipakahulugan ang mga punsyong polinomial, na nailalapat sa iba't ibang sitwasyon, kabilang ang payak na kimika, pisika, ekonomika at agham panlipunan; at ginagamit sila sa calculus at numerikal na analisis upang aproksimahin ang ibang mga punsyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Marissa R. Enriquez (2012). English-Tagalog Tagalog-English Dictionary. Amos Books, Inc. p. 424. ISBN 971-0324-24-1.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.