Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya
Paggamit
[baguhin ang wikitext]Ang disenyong pangkatapusan para sa subpahinang ito ay makikita sa Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya/Layout.
- Magdagdag ng bagong itinatampok na biyograpiya sa susunod na subpahina.
- Baguhin ang "max=" para sa bagong kabuuan ng {{Random portal component}} sa pangunahing pahina.
Talaan ng mga Itinatampok na Biyograpiya
[baguhin ang wikitext]Artikulo 1 – 5
[baguhin ang wikitext]Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya/1
Si Albert Einstein (Marso 14, 1879–Abril 18, 1955) ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentista/siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang pinakamahalagang papel na kanyang ginampanan sa agham ay ang pagbuo ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang pangkalahatang relatibidad. Sa karagdagan, marami siyang naiambag sa teoriyang kwantum at mekaniks na estatistikal. Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel sa kanyang paliwanag sa epektong potoelektrika noong 1905.
Si Einstein ay ipinanganak noong Marso 14, 1879 sa lungsod ng Ulm sa Württemberg, Alemanya, mga 100 km silangan ng Stuttgart. Ang kanyang ama ay si Hermman Einstein, isang tagapagtinda at inhinyero at ang kanyang ina ay si Pauline Koch. Noong 1880, ang pamilya ay nagtungo sa Munich at itinatag ng kanyang tiyuhin at ama ang Elektrotechnische Fabrik J. Einstein & Cie, isang kumpanyang gumagawa ng mga elektronikong bagay gamit ang prinsipyo ng diretsong kuryente.
Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksiyon ng kanyang teoriyang pangkalahatang relatibidad na ang sinag(light rays) ng malalayong bituin ay malilihis ng grabidad ng araw. Ito ay napatunayan noong Nobyembre 7, 1919 sa ekspedisyon na ginawa ng mga inglaterong siyentipiko upang pagmasdan ang Eklipseng solar na naganap nang taong iyon sa Aprika.
Dahil sa kanyang katalinuhan at orihinalidad, ang salitang "Einstein" ay naging sinonimo ng salitang "henyo".
Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya/2
Si Sir Isaac Newton, PRS (Disyembre 25 1642 (OS) – Marso 20 1727 (OS) / Enero 4, 1643 (NS) – Marso 31 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensyang siyentista sa kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.
Ang kanyang monograpong Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na inilambag noong 1687 ang naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng klasikal na mekaniks. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton ang unibersal na grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang nanaig sa siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na ang mga mosyon(galaw) ng mga obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang selestiyal(celestial bodies) ay pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ayon ng mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis ng pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw) at nagpasulong ng rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na isinulat.
Sa matematika, si Newton ay kahati ni Gottfried Leibniz sa karangalan ng pagbuo ng kalkulo. Kanya ring ipinakita ang teoremang binomial ang bumuo ng paraang Newton na pagtatantiya ng mga ugat ng isang punsiyon at nag-ambag sa pag-aaral ng mga seryeng kapangyarihan.
Si Newton ay isa ring napakarelihiyosong tao. Siya ay sumulat ng mas marami tungkol sa hermeneutikong Biblikal at pag-aaral okulto kesa sa agham at matematika. Sikretong itinakwil ni Newton ang Trinitarianismo ng Katolismo dahil sa takot na maakusahan ng pagtanggi sa kautusang banal ng simbahan.
Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya/3
Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya/4
Portada:Agham/Itinatampok na Biyograpiya/5
Nominasyon
[baguhin ang wikitext]Maging maluwag sa pagdaragdag ng itinatampok na biyograpiyang pang-agham sa itaas na talaan.