Pumunta sa nilalaman

Portada:Agham/Itinatampok na Larawan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang disenyong pangkatapusan para sa subpahinang ito ay makikita sa Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/Layout.

  1. Magdagdag ng bagong itinatampok na larawan sa susunod na subpahina.
  2. Baguhin ang "max=" para sa bagong kabuuan ng {{Random portal component}} sa pangunahing pahina.

Talaan ng mga Itinatampok na Artikulo

[baguhin ang wikitext]

Artikulo 1 – 5

[baguhin ang wikitext]

Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/1

Mars
Mars
Kuha ng: NASA

Ang Marte (o Mars) ay ang ika-apat na planeta mula sa Araw sa ating sistemang solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Daigdig sa pamamagitan ng hubad na mata na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan at Araw.


Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/2

Sputnik
Sputnik
Kuha ng: NASA

Ang programang Sputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng Unyong Sobyet noong huling mga taon ng dekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na satellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang Ruso na "Спутник".

Nagulat ang Estados Unidos sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mga satellite, kasama ang Explorer I, Proyektong SCORE, Advanced Research Projects Agency at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ng NASA at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon.


Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/3

Buwan
Buwan
Kuha ng: User:Lviatour

Ang Buwan ang tanging likas na satelayt ng Daigdig. Wala itong pormal na pangalan at tinatawag lang itong "Ang Buwan" ngunit paminsanminsan ay tinatawag din itong Luna (Latin ng buwan) upang maiba sa pangkalahatang tawag na "buwan".


Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/4

Panglagalag sa Marte
Panglagalag sa Marte
Kuha ng: Maas Digital LLC para sa Pamantasan ng Cornell at NASA/JPL; ikinarga at pinainam nina Acdx, Emilfaro, Cumulus Clouds, at Dschwen

Ang Panglagalag sa Marte ay dalawang mga robot na bahagi ng kasalukuyang isinasagawang robotikong misyong pangkalawakan ng NASA sa planetang Marte, na nagsimula noong 2003. Kilala sila bilang sina Spirit at Opportunity, na kapwa nagsasagawa ng eksplorasyon sa kapatagan at heolohiya ng Marte.


Portada:Agham/Itinatampok na Larawan/5

Mars
Mars
Kuha ng: Dave Jarvis at karga ni Thangalin

Ang mga planeta at mga bituin ay mga bagay na pangkalawakan. Tinatawag ding tala o buntala ang mga planeta at lumilibot sa mga bituin o mga tira o labi ng mga bituin. Samantala, isa namang katawan ng plasma ang bituin at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. May kani-kaniyang sukat at bigat ang mga planeta at mga bituin.


Maging maluwag sa pagdaragdag ng itinatampok na larawang pang-agham sa itaas na talaan.