Pumunta sa nilalaman

Selyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Postage stamp)
Labingwalong sentimo o sentabong selyong pangkoreo ng Pilipinas noong bahagi o teritoryo pa ito ng Estados Unidos. May kamalian sa pagdidisenyo nito sapagkat bagaman sinasabing Talon ng Pagsanjan ng Pulo ng Luzon ang nakalarawan, sa katunayan ito ay ang Talon ng Vernal ng California. Gawa ito noong 1932.

Ang selyo ay isang madikit na papel na nagsisilbing katibayan ng pagbabayad sa halaga ng serbisyong pangkoreo. Karaniwang isa itong maliit na parihabang idinidikit sa isang sobre, na tandang nagbayad na ng buo o bahagi lamang ang taong nagpapadala. Ito ang pinakatanyag na paraan ng pagbabayad sa isahan o ilanang mga liham. Maraming mga uri ng selyo sa buong mundo. Mayroong sari-sariling mga selyo ang bawat bansa. Umiiral na ang selyo magmula pa noong ika-19 na daang taon. Mayroong mga taong nangungulekta ng mga selyo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Stamp, selyo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.