Postharvest
Sa agrikultura, ang postharvest handling ay isang parte ng produksyon ng mga pananim na kasunod agad ng pag-aani, kasali na ang pagpapalamig, paglilinis, paghihiwalay, at pagbabalot. Sa oras na ang pananim ay tinanggal mula sa lupa, o kapag nahiwalay ito sa punong tanim, nagsisimula na itong mabulok. Postharvest treatment ang siyang pangunahing nagtutukoy ng pangwakas na kwalidad, maging ang pananim man ay ibenta para sa kaagarang pagkonsumo, o gamitin bilang sangkap ng isang naprosesong produktong pagkain.
Ang pinakaimportanteng layunin ng postharvest handling ay ang panatilihing malamig ang produkto, para maiwasan ang pagkawala ng tubig at para bagalan ang hindi kanais-nais na pagbabago sa aspetong kemikal, at para maiwasan ang pisikal na pinsala katulad ng pagkakaroon ng mga pasa, upang ang pagkabulok ay maantala. Ang sanitasyon ay isa ring mahalagang salik, para bawasan ang posibilidad ng mga pathogens na maaaring dalhin sa pamamagitan ng preskong produkto, halimbawa, bilang mga nalalabi mula sa kontaminadong tubig na ginamit sa paghugas.
Pagkagaling sa taniman, ang postharvest ay kadalasang ipinagpapatuloy sa mga bahay na ginagamit sa pagbabalot. Maaari itong maging isang simpleng shed na nagbibigay ng lilim at tubig, o isang malaki, sopistikado, mekanisadong pasilidad, may mga conveyor belt, automated na paghihiwa-hiwalay at estasyon ng pagbalot, mga walk-in na coolers at iba pa. Sa mekanisadong pag-aani, ang pagpoproseso ay maaari ring magsimula bilang parte ng aktuwal na proseso ng pag-ani, na may nauna nang paglilinis at paghihiwa-hiwalay na ginagawa ng makinaryang nag-aani.
Ang artikulong ito ay isinalin mula sa [orihinal na artikulo].