Pumunta sa nilalaman

Santa Praxedes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Praxedis)
Práxedes
Saint Praxidis. Ipinatungkol ang pinta kay Johannes Vermeer (mga 1655).
Birhen
Kaibigan sa Banal na Mga Apostol
Namatay165[1]
Benerasyon saSimbahang Katolika Romana
Simbahang Ortodokso ng Silangan
KapistahanHulyo 21

Si Santa Praxedes (Saint Práxedes) ay isang tradisyonal na santang Kristiyano ng ikalawang dantaon. Minsang binabaybay rin ang kaniyang pangalan bilang Praxedis (Πραξηδίς) o Praxed.

Kaunti lamang ang kaalaman hinggil kay Praxedes, at hindi nakikiayon ang mga tala. Ayon sa The Golden Legend ni Jacobus de Voragine, si Praxedes ay kapatid ni Santa Prudenciana; ang iba pang mga kapatid nila ay sina San Donatus at San Timoteo. Noong isa sa mga panahon ng pagpapahirap, inilibig nila ang mga katawan ng mga Kristiyanong pinagmalupitan at namahagi ng mga produkto sa mga mahihirap. Nakasaad sa maikling tala ni de Voragine na namatay sila noong 165 P,K., "sa panahon ng pamumuno nina Emperador Marcus at Emperador Antoninus II."[notes 1][1]

Sa kaniyang lahok para kay San Novacio, binanggit ni Sabine Baring-Gould na ang "banal na birheng" si Praxedes ay isang anak ni San Pudens, at ang mga kapatid niya ay sina Santa Prudenciana, San Novacio at San Timoteo. Sinasabing namatay si Novacio noong 151 P.K..[3]

Ibinaon ang mga labi nina Praxedes at Prudenciana sa Katakumba ng Priscilla na binansagang "Reyna ng mga Katakumba" dahil sa maraming nakalibing na mga martir at santo papa. Paglaon, naging magkaugnay sila sa isang simbahang Romano, ang Titulus Pudentis, na ipinalalagay na ipinangalan sa kanilang amang si San Pudens, at nakilala rin bilang Ecclesia Pudentiana. (Ang kaugnayang ito ay maaring humantong sa pagtawag kay Potenciana bilang Prudenciana.) Ayon sa Catholic Encyclopedia, "Ang dalawang mga babaeng naghahandog ng kanilang mga korona kay Kristo sa mosaiko ng abside (apse) sa St. Pudentiana ay maaaring sina Potenciana at Praxedes."[4]

Noong ika-apat na dantaon, itinayo ang isang simbahang Titulus Praxedis na nakakawing nang husto sa pagpipintuho kay Santa Praxedes. Ang mga reliko niya at ng kaniyang kapatid na babae ay inilipat sa nasabing simbahan, na itinayo muli ni Papa Pascual I (817–824) at pinalitan ang pangalan sa Santa Prassede.[4]

  1. Namuno si Antoninus Pius noong 138–161; Marcus Aurelius mula noong 161 P.K.. May nakatalang "Marcus Antoninus" ang Catholic Online (iyan ay si Marcus Aurelius, na ang kaniyang buong pangalan ay "Marcus Aurelius Antoninus Severus") ngunit hindi nagbigay ng sanggunian para sa pagtukoy na ito.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 de Voragine, Jacobus (1995). William Granger Ryan (pat.). The Golden Legend Vol. 1. Princeton UP. p. 374. ISBN 978-0-691-00153-1. Nakuha noong Oktubre 26, 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "St. Práxedes". Catholic Online. Nakuha noong 26 Oktubre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Baring-Gould, Sabine (2009). The Lives of the Saints. BiblioBazaar. pp. 269–70. ISBN 978-1-113-80661-1. Nakuha noong 26 Oktubre 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Práxedes and Pudentia". Catholic Encyclopedia. Nakuha noong 26 Oktubre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]