Pumunta sa nilalaman

Presyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Presyur)
Presyon
Mga kadalasang simbulo
p, P
Yunit SIpascal [Pa]
Sa Batayang yunit SIN/m2, 1 kg/(m·s2), o 1 J/m3
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
p = F / A
DimensiyonM L−1 T−2
Isang pigura na pinapakita ang presyon na ginamit ng mga pagbabangga ng isang partikula sa loob ng isang nakasarang lalagyan. Itinampok sa pula ang mga pagbabangga na ginamit ng presyon.
Presyon habang ginagamit ng mga pagbabangga ng partikula sa loob ng nakasarang lalagyan

Ang presyon (simbolo: p o P) ay ang puwersa na nilapat patayo sa ibabaw ng isang bagay bawat yunit na sukat kung saan pinamahagi ang puwersa.[1]:445 Ang presyong panukat (Ingles: Gauge pressure binabaybay din na gage pressure)[a] ay ang presyon na relatibo sa presyong pumapaligid.

May iba't ibang yunit ang ginagamit upang ihayag ang presyon. Ilan sa mga ito ay hinango mula sa isang yunit ng puwersa na hinati sa pamamagitan ng isang yunit ng sukat; ang yunit na SI ng presyon, ang pascal (Pa), halimbawa, ay isang newton bawat metro kuwadrado (N/m2); sa parehong paraan, ang libra-puwersa bawat pulgadang kuwadrado (psi, simbolo: lbf/in2) ay ang tradisyunal na yunit ng presyon sa mga sistemang imperyal at kostumbreng Estados Unidos. Maaring ihayag din ang presyon sa pamantayang presyong atmosperiko; katumbas ng atmospera (atm) ang presyong ito, at ang ikinakahulugan ang torr bilang 1760 nito. Ang mga yunit manometriko tulad ng sentimetro ng tubig, milimetro ng merkuryo, at pulgada ng merkuryo ay ginagamit upang ihayag ang mga presyon ayon sa taas ng haligi ng isang partikular na pluido sa isang manometro.

Ang pormulang pang-matematika ng presyon ay:

[2]

kung saan:

ay ang presyon,
ay ang magnitud o kalakihan ng karaniwang puwersa,
ay ang sukat ng ibabaw sa pagdikit.
  1. Iba't iba ang ninais na baybay depende sa bansa at kahit sa industriya. Dagdag pa dito, ginagamit ang parehong baybay sa loob ng isang partikular na industriya o bansa. Tipikal na ginagamit ang baybay n "gauge" sa mga industriyang nagsasalita ng Britanikong Ingles.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Knight, PhD, Randall D. (2007). "Fluid Mechanics". Physics for Scientists and Engineers: A Strategic Approach (google books) (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). San Francisco: Pearson Addison Wesley. p. 1183. ISBN 978-0-321-51671-8. Nakuha noong 6 Abril 2020. Pressure itself is not a Force, even though we sometimes talk "informally" about the "force exerted by the pressure. The correct statement is that the Fluid exerts a force on a surface. In addition, Pressure is a scalar, not a vector. {{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. R Nave. "Pressure". Hyperphysics (sa wikang Ingles). Georgia State University, Dept. of Physics and Astronomy. Nakuha noong 2022-03-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)