Pumunta sa nilalaman

Presyon ng dugo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Presyur ng dugo)
Presyon ng dugo
Diyagnostika
Isang spigmomanometro na kasangkapang ginagamit sa pagsukat ng arteryal na presyon.
MeSHD001795

Ang Presyon ng dugo o presyur ng dugo (Ingles: Blood pressure o BP) ang presyon na inilalapat ng sumisirkulang dugo sa mga pader ng besel ng dugo at isa sa mga pangunahing mahalagang hudyat. Kung ginagamit nang walang karagdagang spesipikasyon, ang "presyur ng dugo" ay karaniwang tumutukoy sa presyur na arteryal ng sistemang sirkulatoryo. Sa bawat pagtibok ng puso, ang BP ay nagbabago sa pagitan ng maksimum o sistoliko at minimum o diastoliko. Ang mean na BP na sanhi ng pagbobomba ng puso at paglaban sa daloy sa mga besel ng dugo ay lumiliit habang ang sumisirkulang dugo ay lumalayo mula sa puso sa pamamagitan ng mga arterya. Ang BP ay bumabagsak ng pinakamabilis sa kahabaan ng maliit na mga arterya at arteriole at patuloy na bumababa habang ang dugo ay dumadaloy sa mga kapilyari at pabalik sa puso sa pamamagitan ng mga bena. Ang grabidad, mga barbula sa bena, at pagbobomba sa pag-urong ng mga masel na skeleteral ang ilang sa mga impluwensiya sa BP sa iba't ibang mga lugar sa katawan.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.