Program Evaluation and Review Technique
Ang Program Evaluation and Review Technique, mas kilala bilang PERT, ay isang modelong ginagamit sa pamamahala ng proyekto na idinisenyo upang suriin at kumatawan sa mga gawain bumubuo ng isang proyekto. Kadalasan itong ginagamit kasabay ng critical method o CPM.
Ang kaibahan nito sa CPM ay makikita sa paggamit nito ng probabalistic na tagal ng pagsasagawa ng mga gawain. Gumagamit ito ng 3 estimate-approach sa pagsusuri kung gaano katagal matatapos ang bawat gawain. Ang tatlong estimate na ito ay ang ang (1) optimistiko o positibo, (2) malamang at (3) pesimistikong o negatibo.
Tagal ng Bawat Gawain sa Proyekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bawat gawain na bumubuo sa isang proyekto ay ipinapalagay na may panahong nagtatagal o duration na may beta distribution, na ang may mean na
- μ = (o + 4m + p) / 6
at may variance na
- σ2 = [(p - o)^2]/36
Kung saan,
- o = optimistiko o positibong tantiya
- m = malamang na tantiya
- p = pesimistiko o negatibong tantiya
Tagal ng Buong Proyekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa ang bawat gawain ay may duration na may beta distribution, ang tagal ng buong proyekto ay magiging suma ng tagal ng bawat gawain. Sa pamamagitan ng Central Limit Theorem, masasabing ang suma ng mga beta distribution ay magkakaroon ng isang normal distribution na may mean na
- μp = ∑μ_kritikal_na_gawain
- σ2p = ∑σ2_kritikal_na_gawain
Samakatuwid, ang probabilidad na matatapos ang isang buong proyekto sa loob ng n na araw ay
- P(x < n) = P((z < μp) / σp)
Kung saan,
- x = itatagal ng isang proyekto
Mga Ipinapalagay ng PERT
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Ang tagal ng bawat proyekto ay batay lamang sa mga gawaing bumubuo ng kritikal na daan (critical path).
- Kung may ibang daan o path na mas mababa lang nang kaunti ang itinatagal kaysa sa krikal na daan, ang maliliit na pagbabago o baryasyon sa daang na ito ay maaari nang makaapekto sa tagal ng proyekto.
2. Malaya o independent ang mga gawain mula sa isa't isa.
- Sa tunay na mga pangyayari, kung hindi maganda o may pagkakamali sa pagkakagawa ng isang gawain ay maaari itong makaapekto sa tagal ng pagsasagawa ng mga gawaing susunod dito.
3. Ang tagal ng buong proyekto ay normally distirbuted.
- Maaari lamang maipatupad at magamit ang Central Limit Theorem kung maraming mga gawain ang bubuo sa proyekto at maraming beta distributed na mga duration ang isusuma.