Pumunta sa nilalaman

Prometasina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Prometasina

Ang Prometasina (Ingles: Promethazine, Kastila: Prometazina) ay isang unang-salinlahing antihistamina ng pamilyang penotiyasina (phenothiazine). Ang gamot na ito ay mga epektong panlaban sa kinetosis (karamdaman sa pagbibiyahe o paggalaw), gamot din itong antiemetiko (gamat laban sa pagsusuka), at antikolinerhiko, pati na pagiging isang malakas na epektong sedatibo at sa ilang mga bansa ay nirereseta para sa insomniya kapag kontraindikado o hindi puwedeng ibigay ang bensodiyasepina. Mabibili itong walang reseta sa Nagkakaisang Kaharian, Australya, Suwitserland, at marami pang ibang mga bansa, subalit kailangan ng reseta o preskripsiyon sa Estados Unidos. Kabilang sa mga pangalang tatak nito ang Phenergan, Promethegan, Romergan, Fargan, Farganesse, Prothiazine, Avomine, Atosil, Receptozine, Lergigan, at Sominex sa Nagkakaisang Kaharian.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "RxList: Promethazine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-26. Nakuha noong 2011-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)