Pumunta sa nilalaman

Proseso ng paghihiwalay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Proseso ng paghihiwalay ay isang paraan sa paghihiwalay ng isang halo o solusyong kemikal sa dalawa o higit pang sangkap na naiiba sa isa’t isa. Ito rin ay isang proseso ng paghihiwalay ng dalawang kemikal sa isa’t isa para gawing mas puro ang isang sangkap. Pagkatapos ng paghihiwalay, isa sa mga produkto ng proseso ay magkakaroon ng mas mataas na konsentrasyon ng isa o higit pang sangkap ng orihinal na mixture. Maari ring maghiwalay ang isang mixture nang lubusan. Kadalasan, ang produkto ng prosesong ito ay puro. Nakadepende ang separation process sa pagkakaiba ng mga katangiang pisikal o kemikal ng mga sangkap ng isang mixture. Ilang halimbawa ng mga katangian na ito ay ang sukat, hugis, mass, density at chemical affinity.

Karaniwan, inuuri ang mga separation processes ayon sa mga partikular na katangian na kanilang pinagsamantalahan upang makamit ang paghihiwalay. Kung hindi makamit ang paghihiwalay gamit ang isang katangian, maaring ipagsama ang iba’t ibang operasyon para magkaroon ng paghihiwalay.

Kadalasan, hindi puro ang mga elemento at kompuwesto na mahahanap sa kalikasan. Kailangan muna iproseso ang mga bagay na ito, gamit ang separation processes, para magamit sa paggawa ng mga produkto. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit importante ang prosesong ito sa ating ekonomiyang industriyal.

Ang layunin ng separation ay maaring:

  • analitikal: para alamin ang dami ng bawat sangkap ng isang mixture nang hindi kailangang ipaghiwalay nang buo
  • paghahanda:  para ihanda ang sangkap para sa mga prosesong nangangailangan ng paghihiwalay

Maaring gawin ang separasyon sa mga laboratoryo para sa pagsusuri o kaya sa mga planta, para sa mga prosesong industriyal.