Pumunta sa nilalaman

Proterio ng Alehandriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Proterius of Alexandria)
St Proterius of Alexandria
Benerasyon saEastern Orthodoxy
KapistahanFebruary 28

Si Hieromartyr Proterio ng Alehandriya (namatay noong 457 CE) na Patriarka ng Alehandriya (451–457) ang hinirang ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE na pumalit kay Papa Dioscoro I ng Alehandriya na pinatalsik sa posisyong ito ng konsehong ito. Dahil ang Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya ay isang hindi-Chalcedoniano, ang pagpapatalsik sa hindi-Chalcedonianong si Dioscoro at pagpapalit ng isang Chalcedonianong si Proterio ay marahas na sinalungat ng mga Kristiyanong Alehandriyano. Noong 457 CE, ang partidong hindi-Chalcedoniano ay humirang kay Timoteo II na Patriarka ng Alehandriya bilang pagsalungat kay Proterio. Si Proterio ay pinagsasaksak ng mga Kristiyanong Alehandriyano, kanilang kinaladkad ang kanyang bangkay sa buong lungsod at pinagpuputol-putol ang kanyang bangkay at sinunog at ikinalat ang mga abo nito sa hangin. Si Proterio ay kinikilalang santo sa Simbahang Silangang Ortodokso. Hindi siya kinikilalang Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya na sa halip ay kumikilala kina Dioscoro at Timoteo na mga lehitimong Papa sa panahong ito.[1]).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Dioscoro I
Griyegong Patriarka ng Alheandriya
451–457
Susunod:
Timoteo II


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.