Pumunta sa nilalaman

Sikoterapiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Psychotherapy)

Ang sikoterapiya ay ang sinasadya o intensiyonal na pagkakaugnayang interpersonal o pakikisalamuha ng mga tao na ginagamit na mga may pagsasanay na mga sikoterapista upang matulungan ang isang kliyente o pasyente hinggil sa mga suliranin sa pamumuhay. May layunin itong makapagpataas ng kainamang pangtao o kalusugan ng isang indibidwal. Gumagamit ang mga sikoterapista ng maraming mga kasakop na mga tekniko o pamamaraan batay sa pagtatatag ng pangkaranasang pakikipag-ugnayan, diyalogo, komunikasyon o pakikipagtalastasan, at pagbabago ng kaasalan o ugali, na idinisenyo upang mapabuti o mapainam ang kalusugang pangkaisipan ng isang kliyente, o upang mapabuti ang relasyon ng isang pangkat, katulad ng sa mag-anak. Maaaring isagawa ang sikoterapiya ng isang bilang sari-saring taong may mga kuwalipikasyon, kabilang ang mga sikolohista (o sikologo), mga terapista sa kasal at ng mag-anak, mga terapistang okupasyonal, mga lisensiyadong klinikal na manggagawang pangsosyal o panglipunan, mga konselor, mga sikiyatrikong nars, mga sikoanalista, at mga sikiyatrista.

Sa maikling pagsasaad, nilalarawan ng o sa sikoterapiya ang paraang ginagamit ng mga sikoterapista, mga taong espesyalistang tumutulong sa mga taong may mga suliranin at kawalan ng katuwaan sa kanilang mga buhay o sa mga taon nais painamin ang kalidad ng kanilang mga buhay at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Nangangahulugan ang sikoterapiya ng paggagamot ng isip o isipan, na may layuning painamin ang damdamin ng isang tao, upang maging mas magkaroon ang tao ng lakas ng loob, maging mas masaya, at mas magkaroon ng pagtaban o kontrol sa kanilang mga buhay. Ang pangunahing paraan upang maisagawa ito ay ang pakikipag-usap sa isang taong tumatangan sa mga suliranin, sa isang paraan na makakapagsimula silang maunawaan ng mas mabuti ang kanilang mga sarili. May ilang mga sikoterapista maaaring makilahok sa iba pang pangkat ng mga tao, katulad ng isang pamilyang may mga suliranin at hindi maligaya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.