Public good
Sa ekonomiks, ang public good (o pablik gud sa baybay ponemiko) ay isang good na mahirap o imposibleng makagawa ng pribadong kita, dahil nabigong isaalang-alang ng merkado ang malaki nitong kapakipakinabang na mga externality. Sa kahulugan, may dalawang katangian ang isang public good:
- Di-nakikipaglaban (non-rivalrous) — bigong ipakita ng kanyang mga pakinabang ang pagiging kakaunti (scarcity) sa pagkonsumo nito; kapag nagawa na ito, makikinabang ang lahat na hindi mawawala ang kasiyahan ng bawat isa.
- Di-nagtatangi (non-excludable) — kapag nagawa na ang public good, lubos na mahirap hanggang sa imposible na iwasan ang pagkuha ng good.
Nasa dalisay na mga public good ang buong mga katangian nito. Dahil bihira lamang ang dalisay na mga public good (bagaman kabilang sa mga ito ang mga mahalagang mga kaso katulad ng depensang nasyonal at ang sistema ng karapatang pag-aari), kadalasang tinutukoy ng karaniwang idyoma ng mga ekomomista ang public good bilang ang di-purong mga public good o doon sa mga napapaloob sa isang partikular na lokalidad. Para sa buong lipunan (ang publiko) ang isang public good samantalang para sa isang bahagi ng lipunan ang collective good.
Salungat ng purong public good ang private good, na ang isang good na maaaring madaliang hatiin sa maraming bahagi upang itinda sa pamilihan, dahil nagtatangi at nakikipaglaban. Halimbawa, isang private good ang isang tinapay na malaki: maaaring hindi ibilang ng may-ari ang iba na gamitin ito, at kapag nakonsumo na, di na ito maaaring gamitin pa.
Sa malayang pamilihan (free market), lubos na walang katiyakan ang makagawa ng ginustong halaga ng kahit anong public good. Magkakaroon ng kakulangan sa paggawa ng ganoong mga mahalagang good katulad ng depensang nasyonal dahil sa suliranin ng malayang sumasakay (free rider problem). Sa kasanayan, nalulutas ang ganitong suliranin sa pamamagitan ng pakikialam ng pamahalaan at mga probisyon ng estado sa mga public good. Bagaman, hindi nawawalan ng mga kritiko ang mga ganitong mga solusyon, dahil ang katwiran ng iba na maaaring maging dahilan ito ng masyadong maraming yaman na itinakda para sa isang paggawa ng public good. Sa kaso ng depensang nasyonal, ito ang mga diumano na suliranin ng military-industrial complex. At saka, hindi lamang ang sentralisadong pamahalaan ang panghalili sa mga merkado: sa teoriya, maaaring may gampanan ang tradisyon at desentralisadong demokrasya.
Hindi dapat ipagkamali ang pang-ekonomiyang konsepto ng mga public good sa ekspresyon the public good (ang pampublikong kabutihan), na kadalasang aplikasyon ng isang kolektibong pakiwaring pang-etika na "ang kabutihan" sa pampolitika na paggawa ng pasya.