Pumunta sa nilalaman

Bronse

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pulang tanso)
Huwag ikalito sa brass na tinatawag ding tansong dilaw.
Mga iba't ibang halimbawa ng likhang-sining na gawa sa bronse sa buong kasaysayan

Ang bronse o tansong dilaw (sa Ingles: bronze) ay isang haluang metal na pangunahing binubuo ng tanso, na karaniwang may lata bilang pangunahing kasama. Matigas ang tansong pula at malutong o madaling mabasag, at partikular itong mahalaga noong unang panahon, kung kaya't gayon ang Panahon ng Tansong Pula ay pinangalanan mula sa metal na ito. Subalit dahil sa ang bronse ay tila isang hindi tiyak na kataga, at ang pangkasaysayang mga piraso ay may samu't saring mga kahaluan o pagkakahalo, partikular na ang isang hindi malinaw na kahangganan ng tanso, kung kaya't, bilang panghalip o panghalili, ang makabagong mga paglalarawang pangmuseo at pangdalubhasa ng mas lumang mga bagay ay mas dumadaming gumagamit ng mas maingat at nagbibilang (nagsasama) na katagang "haluang tanso".[1]

Ang salitang bronse ay hiniram mula sa Pranses: bronze, na hiniram din naman mula sa Italyano: bronzo (ihambing ang midyibal na Latin: bronzium), ang pinagmulan ay malabo. Maaari itong may kaugnayan sa Benesiyano: bronza "kumikinang na mga uling", o Aleman: Brunst "apoy", subalit maaari itong matumbas na bumalik sa, o maaaring naimpluwensiyahan, ng pangalang Latin na Brundisium ng lungsod ng Brindisi (aes Brundusinum, na may ibig sabihing "tanso ng Brindisi", na may pagpapatotoo ni Pliny). Ngunit, marahil ito ay napakahangu-hango mula sa Persanong salita para sa tanso na birinj.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. British Museum, "Scope Note" for "copper alloy"
  2. Bronze doon sa Online Etymological Dictionary.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.