Punong Ministro ng Australia
Prime Minister ng Australia | |
---|---|
Pamahalaan ng Australia Kagawaran ng Punong Ministro at Gabinete Tanggapan ng Punong Ministro | |
Istilo | The Honourable[1] Prime Minister[2] (informal) |
Katayuan | Pinuno ng Pamahalaan |
Pagpapaikli | PM |
Kasapi ng |
|
Nag-uulat sa/kay | Kamara de Representantes |
Tirahan | |
Luklukan | Canberra |
Nagtalaga | Governor-General[4] |
Haba ng termino | At the Governor-General's pleasure[3] |
Nabuo | 1 Enero 1901[4] |
Unang humawak | Edmund Barton[4] |
Diputado | Deputy Prime Minister of Australia |
Sahod | $564,360 bawat taon (2022)[5] |
Websayt | pm.gov.au |
Ang Punong Ministro ng Australia ang pinuno ng pamahalaan ng Komonwelt ng Australia, na nanunungkulan sa bisa ng komisyon galing sa Gobernador-Heneral ng Australia. Ang tanggapan ng punong ministro ang pinakamataas na tanggapang pampolitika sa Australia. Sa kabila ng pagiging nasa tuktok ng pamahalang ehekutibo sa bansa, hindi nabanggit ang tanggapan ng Punong Ministro sa Saligang Batas ng Australia at umiiral sa pamamagitan ng Kumbensiyon para sa Saligang Batas.
Maliban sa natatanging mga pagkakataon, ang punong ministro ang palaging pinuno ng Partidong pampolitika o koalisyon na Mayo suporta ng Mayoorya sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang natatanging kaso kung saan ang isang senador ay naitalaga bilang punong ministro ay ang kay John Gorton, na di naglao'y nagbitiw bilang senador at nahalal bilagn miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan (Gumaganap na punong ministro si senator George Pearce sa loob ng pitong buwan noong 1916 samantalang si Billy Hughes ay nasa ibang bansa).[6]
Si Anthony Albanese ng Partidong Paggawa ang kasalukuyang punong ministro ng Australia. Siya ay naluklok sa posisyon mula noong 23 Mayo 2022.[7][8]
Suweldo at mga benepisyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naipatupad | Suweldo |
---|---|
2 Hunyo 1999 | $289,270 |
6 Setyembre 2006 | $309,270 |
1 Hulyo 2007 | $330,300 |
Suweldo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang punong ministro ang may pinakamalaking suweldo sa mga kasapi ng parlamento.
Ang suweldo ng mga ministro ay karagdagang bahagdan sa batayang suweldo sa parlamento. Ayon sa Unang Ulat ng Remuneration Tribunal noong taong 2006[9] kinompirma nila na ang karagdagang suweldo ng puong ministro ay 160 bahagdan (160%) ng kanyang suweldo sa parlamento, i.e. kaya sa kabuuan ang kinikita ng punong ministro ay umaabot ng 260% ng suweldo ng ordinaryong kasapi ng parlamento.
Ang suweldo ng punong ministro ay may limang beses nang kinikita ng isang nagtatrabahong may sapat na gulang na $67,116, hanggang noong Pebreror 2010.[10]
Rasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Maharlikang Hukbong Panghimpapawid ng Australia No. 34 Squadron ang naghahatid at sundo sa punong ministro sa loob ng Australia at sa tawid dagat sa pamamagitan ng pagbabago sa mga Boeing Business Jets at maliliit na Challenger na sasakyang panghimpapawid. Mayroong magandang kagamitan para sa komunikasyon ang sasakyang panghimpapawid gayundin mayroon itong tanggapan, silid-pulungan at mga tulugan. Ang katawagan sa sasakyang panghimpapawid ay "Envoy".
Ang opisyal na panuluyan ng punong ministro ay ang The Lodge sa Canberra, subalit hindi lahat ng punong ministro ay nanatili roon. Mas pinili ni Jim Scullin na manuluyan sa Hotel Canberra (ngayo'y Hyatt Hotel); nanirahan naman si Ben Chifley sa Kurrajong Hotel; at nagpagawa naman si John Howard ng Kirribilli House sa Sydney ang kanyang pangunahing tirahan, samantalang ginagamit niya ang The Lodge kapag nasa Canberra para sa opisyal na lakad. Sa pagkakatalaga sa kanya noong 18 Setyembre 2013, sinabi nang kasalukuyang punong ministro na si Tony Abbott na hindi siya manunuluyan sa The Lodge hanggang sa mapabalik siya sa pwesto sa pamamagitan ng boto ng nakararami sa susunod na halalan (naging punong ministro siya sa kalagitnaan ng panunungkula ni Kevin Rudd na nagbitiw matapos maharap sa walang pagkapanlong halalan sa loob ng partido). Ang mga opisyal na panuluyan ay kumpleto sa mga tagasilbi at mayroong pakain para sa punong ministro at para sa kanyang pamilya.
Mayroong mga kasama si Kevin Rudd sa The Lodge na punong tagapagluto at katulong na tagapagluto, tagapag-alaga ng bata, tagapagbantay ng bahay, at dalawang bagong tagapagbantay ng bahay. Sa Kirribilli House sa Sydney, mayroong punong tagapagluto at isang tagapagbantay ng bahay.[11]
Patuloy pa ring nakakatanggap ng rasyon ang mga punong ministro matapos ang kanilang panunungkula, kasama na rito ang libreng espasyo para sa tanggapan, ang karapatang makakuha ng Life Gold Pass at salaping gugulin para sa mga kakailanganing suplay sa tanggapan at mga katiwala. Sa pamamagitan ng Life Gold Pass maaaring maglakbay ang may-ari nito saanman sa Australia sa mga hindi-pangkalakalan (commercial) na dahilan na sagot ng pamahalaan ang gastos.
Isang punong ministro lamang ang nakabalik sa parlamento. Natalo si Stanley Bruce sa pwesto noong 1929 habang siya'y punong ministro, subalit muli siyang nahalal bilang kasapi ng parlamento noong 1931.
Patuloy na kinikilala sa buong bansa ang mga dating punong ministro, at sa ilang pagkakataon nagiging matagumpay sa mga karera matapos ang pagiging punong ministro. Ilan sa kabanggit-banggit rito ay sina: Edmund Barton, na naging hukom sa Mataas na Hukuman; George Reid, Andrew Fisher, Joseph Cook at Stanley Bruce, na naging Mataas na Komisyoner sa United Kingdom; at Arthur Fadden, na naging ingat-yaman sa panahon nang isa pang punong ministro na si Robert Menzies.
Tala ng mga punong ministro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa ibaba ang tala ng mga Punong Ministro ng Australia ayon sa pangalan, petsa ng pagkahiran, petsa ng paglisan sa tanggapan, partidong pampolitika, tagal sa panunungkulan at ang estadong kinakatawan sa parlamento. Ang (mga) estado na kinatawan sa parlamento ay hindi maaaring hindi ang estado kung saan naging mas malapit ang tao; ang isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay si Bob Hawke na isinilang sa South Australia, lumaki sa Western Australia, nagtrabaho at kumatawan sa Victoria at nagretiro sa New South Wales.
Ang mga partidong pinapakita ang partido ng mga punong ministro nang sila'y maupo sa panunungkulan. Ilang mga punong ministro ang kasapi ng mga partidong ibinigay bago at matapos ang panunungkulan bilang punong ministro.
Para sa mas detalyadong talaan, tingnan ang Tala ng mga Punong Ministro ng Australia.
Protectionist Labor Free Trade Commonwealth Liberal National Labor/Nationalist/United Australia Country Liberal
# | Pangalan | Nagsimula | Nagtapos | Partido | Tagal sa panunungkulan | Kinakatawang Estado sa Parlamento |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | Edmund Barton | 1 Enero 1901 | 24 Setyembre 1903 | Protectionist | 2 taon, 8 buwan, 24 araw | New South Wales |
2 | Alfred Deakin | 24 Setyembre 1903 | 27 Abril 1904 | Protectionist | 0 taon, 7 buwan, 4 araw | Victoria |
3 | Chris Watson | 27 Abril 1904 | 18 Agosto 1904 | Labour | 0 taon, 3 buwan, 21 araw | New South Wales |
4 | George Reid | 18 Agosto 1904 | 5 Hulyo 1905 | Free Trade | 0 taon, 10 buwan, 18 araw | New South Wales |
– | Alfred Deakin | 5 Hulyo 1905 | 13 Nobyembre 1908 | Protectionist | 3 taon, 4 buwan, 9 araw | Victoria |
5 | Andrew Fisher | 13 Nobyembre 1908 | 2 Hunyo 1909 | Labour | 0 taon, 6 buwan, 21 araw | Queensland |
– | Alfred Deakin | 2 Hunyo 1909 | 29 Abril 1910 | Commonwealth Liberal | 0 taon, 10 buwan, 28 araw | Victoria |
– | Andrew Fisher | 29 Abril 1910 | 24 Hunyo 1913 | Labor | 3 taon, 1 buwan, 26 araw | Queensland |
6 | Joseph Cook | 24 Hunyo 1913 | 17 Setyembre 1914 | Commonwealth Liberal | 1 year, 2 buwan, 25 araw | New South Wales |
– | Andrew Fisher | 17 Setyembre 1914 | 27 Oktubre 1915 | Labor | 1 year, 1 buwan, 11 araw | Queensland |
7 | Billy Hughes | 27 Oktubre 1915 | 9 Pebrero 1923 | Labor/Nationalist | 7 taon, 3 buwan, 14 araw | New South Wales, Victoria |
8 | Stanley Bruce | 9 Pebrero 1923 | 22 Oktubre 1929 | Nationalist | 6 taon, 8 buwan, 14 araw | Victoria |
9 | James Scullin | 22 Oktubre 1929 | 6 Enero 1932 | Labor | 2 taon, 2 buwan, 16 araw | Victoria |
10 | Joseph Lyons | 6 Enero 1932 | 7 Abril 1939 | United Australia | 7 taon, 3 buwan, 2 araw | Tasmania |
11 | Earle Page | 7 Abril 1939 | 26 Abril 1939 | Country | 0 taon, 0 buwan, 20 araw | New South Wales |
12 | Robert Menzies | 26 Abril 1939 | 28 Agosto 1941 | United Australia | 2 taon, 4 buwan, 4 araw | Victoria |
13 | Arthur Fadden | 28 Agosto 1941 | 7 Oktubre 1941 | Country | 0 taon, 1 buwan, 9 araw | Queensland |
14 | John Curtin | 7 Oktubre 1941 | 5 Hulyo 1945 | Labor | 3 taon, 8 buwan, 29 araw | Western Australia |
15 | Frank Forde | 6 Hulyo 1945 | 13 Hulyo 1945 | Labor | 0 taon, 0 buwan, 8 araw | Queensland |
16 | Ben Chifley | 13 Hulyo 1945 | 19 Disyembre 1949 | Labor | 4 taon, 5 buwan, 7 araw | New South Wales |
– | Robert Menzies | 19 Disyembre 1949 | 26 Enero 1966 | Liberal | 16 taon, 1 buwan, 8 araw | Victoria |
17 | Harold Holt | 26 Enero 1966 | 19 Disyembre 1967[12] | Liberal | 1 year, 10 buwan, 23 araw | Victoria |
18 | John McEwen | 19 Disyembre 1967 | 10 Enero 1968 | Country | 0 taon, 0 buwan, 23 araw | Victoria |
19 | John Gorton | 10 Enero 1968 | 10 Marso 1971 | Liberal | 3 taon, 2 buwan, 0 araw | Victoria |
20 | William McMahon | 10 Marso 1971 | 5 Disyembre 1972 | Liberal | 1 year, 8 buwan, 25 araw | New South Wales |
21 | Gough Whitlam | 5 Disyembre 1972 | 11 Nobyembre 1975 | Labor | 2 taon, 11 buwan, 7 araw | New South Wales |
22 | Malcolm Fraser | 11 Nobyembre 1975 | 11 Marso 1983 | Liberal | 7 taon, 4 buwan, 0 araw | Victoria |
23 | Bob Hawke | 11 Marso 1983 | 20 Disyembre 1991 | Labor | 8 taon, 9 buwan, 10 araw | Victoria |
24 | Paul Keating | 20 Disyembre 1991 | 11 Marso 1996 | Labor | 4 taon, 2 buwan, 20 araw | New South Wales |
25 | John Howard | 11 Marso 1996 | 3 Disyembre 2007 | Liberal | 11 taon, 8 buwan, 23 araw | New South Wales |
26 | Kevin Rudd | 3 Disyembre 2007 | 24 Hunyo 2010 | Labor | 2 taon, 6 buwan, 22 araw | Queensland |
27 | Julia Gillard | 24 Hunyo 2010 | 27 Hunyo 2013 | Labor | 3 taon, 0 buwan, 4 araw | Victoria |
– | Kevin Rudd | 27 Hunyo 2013 | 18 Setyembre 2013 | Labor | 0 taon, 2 buwan, 23 araw | Queensland |
28 | Tony Abbott | 18 Setyembre 2013 |
15 Setyembre 2015 |
Liberal | 11 taon, 98 araw | New South Wales |
29 | Malcolm Turnbull |
15 Setyembre 2015 |
24 Agosto 2018 |
Liberal | 25 taon, 3 buwan, 23 araw | New South Wales |
30 | Scott Morrison |
24 Agosto 2018 |
23 Mayo 2022 |
Liberal | 3 taon, 8 buwan, 29 araw | New South Wales |
31 | Anthony Albanese |
23 Mayo 2022 |
kasalukuyan | Labor | 0 taon, 8 buwan, 0 araw | New South Wales |
Graphical timeline
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nabubuhay na dating punong ministro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ngayon mayroong anim na nabubuhay na dating mga punong ministro: Paul Keating (1991–1996), John Howard (1996–2007), Kevin Rudd (2007-2010, 2013), Julia Gillard (2010-2013), Tony Abbott (2013-2015), Malcolm Turnbull (2015-2018) at Scott Morrison (2018-2022).
Ang pinakamatanda rito ay si Gough Whitlam (94 taong gulang; noong 22 Enero 2009, nakuha ni Whitlam ang pinakamatandang edad sa lahat ng mga nagin Punong Ministro ng Australia). Sa edad na 52, si Kevin Rudd ang pinakabatang dating punong ministro.
Ang pinakamaraming bilang ng buhay na dating punong ministro sa loob ng isang panahon ay walo. Dalawang beses na itong nangyari:
- Sa pagitan ng Oktubre 1941 (nang sinundan ni John Curtin si Arthur Fadden) at 18 Nobyembre 1941 (nang mamatay si Chris Watson), ang walong nabubuhay na dating punong ministro ay sina Bruce, Cook, Fadden, Hughes, Menzies, Page, Scullin at Watson
- Sa pagitan ng 13 Hulyo 1945 (nang sinunadn ni Ben Chifley si Frank Forde) at 30 Hulyo 1947 (nang mamatay si Sir Joseph Cook), ang walong nabubuhay na dating punong ministro ay sina Bruce, Cook, Fadden, Forde, Hughes, Menzies, Page at Scullin.
Pitong dating punong ministro ang buhay sa pagitan ng mga panahong 18 Nobyembre 1941 – 13 Hulyo 1945, at 30 Hulyo 1947 – 13 Hunyo 1951.
Ang namatay kamakailan lang na dating punong ministro ay si Sir John Gorton, na namatay noong 19 Mayo 2002.
Backgrounds
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lugar ng Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siyam sa mag naging punong ministro ng Australia ay ipinanganak sa Victoria, pito sa New South Wales, tatlo sa Queensland at isa sa South Australia at Tasmania. Anim ang hindi ipinanganak sa bansa: lima sa United Kingdom (dalawang sa Inglatera, dalawa sa Eskosya, isa sa Wales) at isa sa Tsile.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Melbourne Grammar School ang may pinakamaraming nagtapos na naging punong ministro (Deakin, Bruce at Fraser). Ang ilan pang mga paaralang sekundarya na pinagtapusan ng mga naging punong ministro ay ang Geelong Grammar School (Gorton, Fraser), Sydney Grammar School (Barton, McMahon) at Wesley College, Melbourne (Menzies, Holt).
Lima sa mga naging punong ministro ang nagtapos sa Pamantasan ng Sydney (Barton, Page, McMahon, Whitlam, Howard). Apat ang nag-aral sa Pamantasan ng Melbourne (Deakin, Menzies, Holt, Gillard) at tatlo sa0 Pamantasan ng Oxford (Gorton, Fraser, Hawke). Walo sa mga punong ministro ang hindi nakapagtapos ng mataas na paaralan.
Trabaho
[baguhin | baguhin ang wikitext]Labing-isang punong ministro ang nagtatrabaho bilang abogado bago pumasok sa politika (bilang karagdagan nakakuha si Hawke ng degree sa batas subalit hindi niya ito nagamit). Pitong punong ministro (lahat Australian Labor Party) ang nagsilbi bilang opisyal ng unyon ng kalakalan. Ang iba pang trabaho na ginawa ng mga punong ministro ay pamamahayag (Watson, Scullin, Curtin), pagtuturo (Lyons and Forde), diplomasya (Forde and Rudd), pagmimina (Fisher, Cook), medisina (Page), pagmamaneho ng makina (Chifley) at accountancy (Fadden).
Tatlong punong ministro ang nagsilbi sa Unang Digmaang Pandaigdig (Bruce, Page at McEwen; kung saan si Bruce lamang ang nakasama sa totoong labanan). Apat ang nagsilbi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Holt, Gorton, McMahon, at Whitlam; kung saan nagsilbi sina Gorton at Whitlam bilang tripulante sa Maharlikang Hukbong Panghimpapawid ng Australia).
Bago ang pakikilahok sa politika, nahalal ang mga punong ministro sa mga parlamento ng estado ng New South Wales (Barton, Watson, Reid, Cook, Hughes), Queensland (Fisher, Fadden, Forde), Victoria (Deakin, Menzies) atTasmania (Lyons). Bilang karagdagan naging punong-bayan si Page ng Grafton.
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lahat ng mga punong ministro maliban kay Gillard ay kinasal ng hindi bababa sa isang beses. Walang anak sina Bruce, Scullin, Chifley, McEwen at Gillard, samantalang si Lyons ay nagkaroon ng labingdalawang anak (namatay ang isa noong sanggol pa lamang).
Anim na mga punong ministro ang Anglikan (Barton, Bruce, Holt, McMahon, Howard at Rudd), anim ang Presbiteryano (Fisher, Reid, Menzies, Fadden, McEwen at Fraser), lima ang Katoliko (Scullin, Lyons, Forde, Chifley at Keating), lima ang nagsabing wala silang relihiyon (Curtin, Gorton, Whitlam, Hawke at Gillard), dalawa ang two were Metodista (Cook, Page), isa ang Baptist (Hughes), isa ang Unitarian (Watson) at isa ang Spiritualist (Deakin).
Si John Curtin ang tanging punong ministro na nagsilbi sa panahon ng gaol.[13]
Kapanganakan at kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Labingpitong mga punong ministro ang ipinanganak bago ang Pederasyon ng Australia, 1 Enero 1901. Ang pinakaunang ipinanganak na punong ministro ay si George Reid, ipinanganak noong 25 Pebrero 1845.
Tatlong punong ministro ang namatay sa panunungkulan: Joseph Lyons (1939), John Curtin (1945) and Harold Holt (1967). Ang pagkamatay ni Holt ang hindi karaniwan – nawala siya habang naglalangoy, at idineklarang patay pagkatapos ng dalawang araw, hindi na natagpuan ang kanyang katawan. Matapos ang halos 38 taon, noong 2005, saka lamang opisyal na idineklara ng Victorian Coroner na nalunod siya nang siya'y nawala.
Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Pederasyon na nagsilbi bilang punong ministro ay si Harold Holt, ipinanganak 5 Agosto 1908. (Si Sir William McMahon, na di naglaon ay naging punong ministro ay ipinanganak noong 23 Pebrero 1908, at ang pinakaunang pinanganak na punong ministro matapos ang Pederasyon.)
Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na nagsilbi bilang punong ministro ay si Malcolm Fraser, ipinanganak noong 21 Mayo 1930. (Si Bob Hawke, na sumunod kay Fraser ay ipinanganak noong 9 Disyembre 1929, at ang kauna-unahang naipanganak sa mga punong ministrong ipinanganak pagkatapos ng WWI.)
Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagsilbi bilang punong ministro ay si Kevin Rudd, ipinanganak 21 Setyembre 1957. Kasama rin sa kauriang ito ang kasalukuyang punong ministro na si Julia Gillard, na ipinanganak noong 29 Setyembre 1961.
Ang tanging mga punong ministro na ipinanganak noong kasagsagan ng alinmang digmaang pandaigdig ay sina Gough Whitlam, ipinanganak noong 11 Hulyo 1916, sa kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig, at Paul Keating, na ipinanganak noong 18 Enero 1944, sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pitong mga punong ministro ang ipinanganak sa buwan ng Setyembre, mas marami ng dalawang sa ikalawang buwan na may pinakamaraming ipinanganak, ang Agosto. Ang pito ay sina: John Gorton (9 Setyembre), Joseph Lyons (Ika-15), James Scullin (Ika-18), Kevin Rudd (Ika-21), Ben Chifley (Ika-22), Billy Hughes (Ika-25) at Julia Gillard (Ika-29). Walang ipinanganak ng Hunyo, Oktubre o Nobyembre.
Dalawang punong ministro ang may parehas na araw kapanganakan: Sina Sir Edmund Barton at Paul Keating, ipinanganak noong 18 Enero taong 1849 at 1944 ayon sa pagkakasunod. Dalawa pang punong ministro ang parehas ang araw ng kamatayan: Sina James Scullin at Frank Forde, namatay noong 28 Enero taong 1953 at 1983 ayon sa pagkakasunod.
Mga edad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tatlong pinakabata nang sila'y maging punong ministro ay sina:
- Chris Watson – 37
- Stanley Bruce – 39
- Robert Menzies – 44
Ang tatlong pinakamatanda nang sila'y maging punong ministro ay sina:
- John McEwen – 67
- William McMahon – 63
- Ben Chifley – 59 taon 10 buwan (George Reid ay 59 taon 6 buwan).
Ang tatlong pinakabata nang sila'y umalis sa punong ministro ay sina:
- Chris Watson – 37
- Arthur Fadden – 46 taon 5 buwan 22 araw
- Stanley Bruce – 46 taon 6 buwan 7 araw
Ang tatlong pinakamatanda nang sila'y umalis sa punong ministro ay sina:
- Robert Menzies – 71
- John Howard – 68
- John McEwen – 67
Haba ng buhay pagkatapos ng panunungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tandaan: Hindi kasama sa pagsusuring ito ang dalawang pinakahuling dating bagong punong ministro, sina John Howard at Kevin Rudd, na pareho pang nabubuhay.
Namatay si Ben Chifley isang taon anim na buwan matapos ang kanyang panunungkulan bilang punong ministro. Tumagal si Alfred Deakin ng siyam na taon at limang buwan.
Lahat ng iba pa ay tumagal ng hindi bababa sa sampung taon. Siyam sa kanila (Bruce, Cook, Fadden, Forde, Fraser, Gorton, Hughes, Watson, at Whitlam) ang nabuhay pa ng 25 taon matapos manungkulan, at lahat maliban sa dalawa rito ang tumagal pa ng mahigit sa 30 taon (Tumagal si Hughes ng 29 taon at 8 buwan; Si Fraser nama'y 27 taon at 3 hanggang sa kasalukuyan, subalit buhay pa hanggang ngayon).
ANg pinakamatal na nabuhay ay si Stanley Bruce, na namatay 37 taon at 10 buwan pagkatapos manungkulan. Kung mabubuhay pa si Gough Whitlam hanggang 25 Setyembre 2013, matatalo niya ang rekord ni Bruce (97 taong gulang na siya sa panahong iyon).
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Contact Your PM". Prime Minister of Australia. Nakuha noong 29 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How to address Senators and Members". Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2022. Nakuha noong 26 Abr 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "Prime Minister". Parliamentary Education Office. Nakuha noong 29 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 "Prime Ministers". Australian Prime Ministers Centre, Old Parliament House. Nakuha noong 29 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PoliticalSalaries.com - Leaders". PoliticalSalaries.com - What the world pays its politicians. 15 Hunyo 2022. Nakuha noong 20 Ago 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pearce, Sir George Foster (1870 - 1952)". Australian Dictionary of Biography. Australian National University. 2006. Nakuha noong 24 Hunyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Prime Minister of Australia". Prime Minister of Australia. Department of the Prime Minister and Cabinet. 21 Mayo 2022. Nakuha noong 22 Mayo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Australia election: Anthony Albanese signals climate policy change". BBC News. 22 Mayo 2022. Nakuha noong 22 Mayo 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "of Report on Ministers of State – Salaries Additional to the Basic Parliamentary Salary" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-06-20. Nakuha noong 2007-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Average Weekly Earnings, Australia, Pebrero 2010, Australian Bureau of Statistics". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-21. Nakuha noong 2010-08-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Metherell, Mark (19 Pebrero 2008). "Rudds' staff extends to a child carer at the Lodge". Nakuha noong 24 Hunyo 2010.
{{cite news}}
: Unknown parameter|publsher=
ignored (|publisher=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pormal nang idineklara si Harold Holt na nalunod noong 17 Disyembre (hindi na nakuha pa ang kanyang katawan), subalit ang kanyang komisyon bilang punong ministro ay hindi opisyal na tinatanggal hanggang noong 19 Disyembre kung kailan lang siya idineklarang "pinaniniwalaang patay".
- ↑ "Curtin, John (1885 - 1945)". Australian Dictionary of Biography. Australian National University. 2006. Nakuha noong 24 Hunyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Websayt ng Punong Ministro ng Australia
- Kagawaran ng Punong Ministro at Gabinete
- Mga Punong Ministro ng Australia Naka-arkibo 2018-12-16 sa Wayback Machine. – National Archives of Australia reference site and research portal
- Biographies of Australia's Prime Ministers Naka-arkibo 2006-01-17 sa Wayback Machine. / National Museum of Australia
- Classroom resources on Australian Prime Ministers Naka-arkibo 2008-07-18 sa Wayback Machine.
Padron:Mga Punong Ministro ng Australia Padron:Politika ng Australia Padron:Tala ng mga Punong Ministro ng Australia