Pumunta sa nilalaman

Lutuing Kamboyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Putahing Kambodyano)
Isang modernong hain ng lutuing Kamboyano na pang-apat na tao na binubuo ng kanin, samlor machu kroeung, tortang ampalaya, pritong pugo, pritong manok, agridulseng pritong isda at matamis na patis

Ang lutuing Kamboyano ay ang pambansang lutuin ng Kambodya. Sinasalamin nito ang mga samu't saring tradisyon sa pagluluto ng mga iba't ibang pangkat-etniko sa Kambodya, at ang pinakasentro nito ay ang lutuing Khmer (Khmer: សិល្បៈធ្វើម្ហូបខ្មែរ, lit. na 'sining ng mga Khmer sa pagluluto'), ang halos dalawang libong taong gulang na tradisyon sa pagluluto ng mga Khmer.[1][2] Sa paglipas ng mga siglo, nakakuha ang lutuing Kamboyano ng mga elemento mula sa mga lutuing Indiyano, Tsino (lalo na ang Teochew), Pranses, at Portuges. Dahil sa ilan sa mga magkaparehong impluwensiya at pakikipag-ugnayan sa isa't isa, may maraming pagkakatulad ang lutuing Kamboyano sa mga lutuin ng Gitnang Taylandiya, at Timugang Biyetnam at sa mas mababang antas, ng Gitnang Vietnam, Hilagang-silangang Taylandiya at Laos.

Maaaring hatiin ang lutuing Kamboyano sa tatlong pangunahing uri: lutuing pambukid, pang-alta at makahari.[3] Bagaman may pagkakaiba-iba naman sa mga makahari at sikat na lutuin, hindi gaano kaiba ang mga ito kumpara sa Taylandiya at Laos.[4] May tendensiya ang mga makaharing putahe ng Kambodya na magtampok ng mga mas de-kalidad na sangkap at maglaman ng mas maraming karne.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dunston, Lara (26 Hunyo 2020). "Mahob Khmer Chef Sothea Seng on Cambodia's Culinary Heritage" [Sothea Seng, Kusinero ng Mahob Khmer, sa Pamana sa Pagluluto ng Kambodya]. Grantourismo Travels (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Enero 2021. Tumutukoy ang pagkaing Khmer sa pagkain na niluluto ng mga Khmer na bumubuo sa karamihan ng populasyon ng Kambodya, habang kasama ang lahat sa pagkaing Kamboyano: pagkaing Khmer, pati Tsino-Kamboyano, Tsino, at mga espesyalidad ng mga Cham Muslim ng Kambodya, tulad ng karing Saraman, isang pinsan ng karing Massaman ng Taylandiya. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kimani, Rosemary (20 Hunyo 2017). "What Makes Cambodian Food Rich And Unique With Chef Joannès Rivière" [Ano ang Nagpapayaman at Natatangi sa Pagkaing Kamboyano Kasama ni Kusinero Joannès Rivière]. Authentic Food Quest (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Enero 2021. Kambodya ang bansa at kaya sumasaklaw sa mayoryang etniko, ang mga Khmer, pati mga Tsino, Lao, Cham, Biyetnames, Samre, Jarai. Pinaghalo ang lahat ng mga lutuing iyon sa pagkaing Kamboyano. May kinalaman ang lutuing Khmer sa isang partikular na grupo nang walang ideya ng malaking impluwensya ng mga ibang grupo. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 McCafferty, Georgia; Tham, Dan (5 Mayo 2017). "Food for the soul: Resurrecting Cambodia's forgotten cuisine" [Pagkain para sa kaluluwa: Muling pagbubuhay sa nakalimutang lutuin ng Kambodya] (sa wikang Ingles). CNN. Nakuha noong 7 Enero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "L'Art de la cuisine cambodgienne | The Culinary Art of Cambodia". The Angkor Database. Nakuha noong 3 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)