Lutuing Biyetnames
Ang lutuing Biyetnames ay sumasakop sa mga pagkain at mga inumin ng Biyetnam. Ang karaniwang mga sangkap ay kinabibilangan ng patis, pagkit ng hipon, toyo, kanin, sariwang mga yerba, mga prutas at mga gulay. Ang resiping Biyetnames ay gumagamit ng damong limon, menta, mentang Biyetnames, mahabang unsoy (mahabang kulantro) at mga dahon ng basil ng Taylandia[1] Ang tradiyunal na lutuing Biyetnames ay talagang hinahangaan dahil sa mga sariwang sangkap nito, kaunting paggamit ng mantika, at pagsalalay sa paggamit ng mga yerba at mga gulay. Madalas na inihahanay ang pagkaing Biyetnames sa isa sa pinakamapampalusog na mga lutuin sa mundo.[2] Ang pinakakaraniwang mga karneng ginagamit sa lutuing Biyetnames ay mga karne ng isda, manok, baboy, baka, at sari-saring mga uri ng pagkaing-dagat. Ang mga Biyetnames ay mayroong ding malakas na tradisyong behetaryano na nagmula sa impluwensiya ng mga pagpapahalagang mga Budista.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Vietnamese Ingredients". WokMe. 2011. Nakuha noong 2 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Annie Corapi (2011). "The 10 healthiest ethnic cuisines". CNN Health. Nakuha noong 3 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Inumin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.