Puwerta ng Masedonya
Ang Puwerta ng Masedonya (Ingles: Porta Macedonia; Masedonyo: Порта Македонија, Porta Makedonija) ay isang arko ng tagumpay na itinayo sa Plaza Pella sa Skopje, Masedonya. Nagsimula ang konstruksiyon nito noong 2011 at itinapos ito noong Enero 2012. Bahagi ang Puwerta ng Masedonya sa proyektong Skopje 2014, na may layuning pagandahin at gawing mas enggrande ang hitsura ng Skopje sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bantayog at makalumang gusali.
May taas na 21 metro ang arko, na itinayo sa halagang 4.4 milyong euro. Idinisenyo ito ni Valentina Stefanovska, isang manlililok na may-likha rin sa ilan pang mga bantayog na bahagi ni proyektong Skopje 2014, kasama na ang istatwa ng Mandirigmang Nangangabayo (Warrior on a Horse) sa gitna ng Plaza Masedonya.