Pólis
- Para sa mga ibang gamit ng salita, tingnan ang Polis (paglilinaw).
Ang pólis (Gryego: πόλις) ay isang lungsod o lungsod-estado. Orihinal itong tumukoy sa mga lungsod estado ng sinaunang Gresya. Sa pagsisimula ng panahong Hellenic umusbong ang mga lungsod-estado sa Greece. Dalawa sa mga nangungunang lungsod-estado ang Sparta at Athens.
Laganap ang digmaan noong panahong Heleniko. Nagtatag ng moog ang mga Griyego sa may burol at tuktok ng bundok bilang pananggalang laban sa mga kaaway. Sa paligid ng mga moog na ito nabuo ang mga lungsod-estado na tinawag na polis ng mga Griyego. Acropolis naman ang tawag nila kung saan nakatayo ang mga moog, na nangangahulugang "mataas na lungsod" (high city). Dito nagkukubli ang mga mamamayan kapag lumulusob ang mga kalaban. Habang umuunlad ang mga polis, ang mga acropolis ay nagiging sentro ng relihiyon kung naitatag ang mga templo, altra, at mga monumentong pampubliko. Pangunahing bahagi rin ng polis ang agora na isang pamilihan. Karaniwang isang malaking parisukat ang agora na napaliligiran ng mga pagawaan at gusaling pampamahalaan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.