Pumunta sa nilalaman

Dokumentong Q

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Q gospel)
Ang Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas ay isinulat ng independiyente at ang bawat ebanghelyong ito ay gumamit ng Ebanghelyo ni Marcos at isang ikalawang hipotetikal na dokumentong tinatawag na Q bilang pinagkunan. Ang Q ay nilikha bilang pinakamalamang na paliwanag sa likod ng karaniwang materyal(na karamihan ay mga kasabihan) na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas ngunit hindi sa Ebanghelyo ni Marcos.

Ang Dokumentong Q o Pinagkunang Q(Ingles: Q source, Q document, Q Gospel, Q Sayings Gospel, o Q) ay isang hipotetikal na koleksiyon ng mga kasabihan ni Hesus na ipinagpapalagay na isa sa dalawang mga isinulat na pinagkunan na pinagsaligan ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. Ang Q (na pinaikling salitang Aleman na Quelle, o "pinagkunan") ay inilalarawan bilang ang "karaniwang" materyal na matatagpuan sa parehong Mateo at Lucas ngunit hindi sa kanilang ibang isinulat na pinagkunan na Ebanghelyo ni Marcos. Ang sinaunang tekstong ito ay ipinagpapalagay na batay sa tradisyong pambibig ng sinaunang iglesiang Kristiyano at logia o mga sipi(quotations) mula kay Hesus.[1]

Kasama ng prioridad na Markan, ang Q ay hinipotesis noong 1900 at isa sa mga saligan ng modernong skolarsyip ng ebanghelyo. [2] Si B. H. Streeter ay nagpormula ng isang malawak na tinatanggap na pananaw ng Q: na ito ay isang isinulat na dokumento(hindi isang tradisyong pambibig) na isinulat sa Griyego; na ang lahat ng mga nilalaman nito ay lumilitaw sa Mateo, Lucas o sa parehong ito; at ang Lucas ay kadalasang mas nag-iingat ng orihinal na kaayusan ng teksto kesa kay Mateo. Sa hipotesis ng dalawang-pinagkunan(two-source hypothesis), ang parehong mga ebanghelyo ni Mateo at Lucas ay gumamit ng Ebanghelyo ni Marcos at Q bilang mga pinagkunan nito. Ang ilang mga skolar ay nagmungkahi na ang Q ay aktuwal na pluralidad ng mga pinagkunan na ang ilan ay isinulat at ang ilan ay pambibig. Ang iba ay nagtangka na tukuyin ang mga yugto kung saan ang Q ay nilikha[3]

Ang eksistensiya ng Q ay minsang hinamon.[3] Ang isa sa mga kritiko nito ang propesor ng Bagong Tipan na si Mark Goodacre ng Duke University.[4] Ang omisyon ng dapat ay isang mataas na pinapahalagahang dokumento mula sa lahat ng katalogo ng sinaunang Iglesiang Kristiyano at mula sa pagbanggit ng mga ama ng simbahan ay maaaring makita na isang dakilang conundrum ng modernong skolarsyip ng Bibliya.[5] Gayunpaman, ipinapaliwanag ito ng ibang mga skolar sa pamamagitan ng pagtuturo na ang pagkokopya ng Dokumentong Q ay hindi kinakailangan dahil ito ay nakapaloob sa ibang mga teksto na dalawang mga kanonikal na ebanghelyong Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas na nagkamit ng dakilang kasikatan. Ang lupong editoryal International Q Project ay sumulat na: "Noong ikalawang siglo CE, nang ang proseso ng pag-kakanon ay nangyayari, ang mga skriba ay hindi gumawa ng mga bagong kopya ng Q, dahil ang proseso ng pagkakanon ay sumasangkot sa pagpili ng dapat at hindi dapat gamitin sa pagsasanay ng iglesia. Kaya ang mga ito ay nagnais na gumawa ng mga kopya ng Ebanghelyo nina Mateo at Lucas kung saan ang mga kasabihan ni Hesus ay muling sinalita upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at upang magkasya sa kanilang mga sariling sitwasyon at kanilang mga pagkaunawa ng kung anong tunay na ibig sabihin ni Hesus."[6] Sa kabilang ng mga hamon dito, ang hipotesis ng dalawang-pinagkunan ay nagpanatili ng malawak na suporta sa mga skolar ng Bagong Tipan.[3]

Mga porsiyon ng Dokumentong Q

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang halimbawa ng magkatulad na talata(kulay pula) sa parehong Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas na kinopya sa Ebanghelyo ni Marcos o sa Dokumentong Q.

Ang ilan sa mga mas kilalang porsiyon ng Bagong Tipan ay pinaniniwalaang nagmula sa Dokumentong Q:[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Christoph Heil & Jozef Verheyden (Ed.) The Sayings Gospel Q: collected essays, Vol. 189 of Bibliotheca Ephemeridum theologicarum Lovaniensium, Peeters Publishers Pub., 2005 pp. 163 - 164
  2. Funk, Robert W., Roy W. Hoover, and the Jesus Seminar. The five gospels. HarperSanFrancisco. 1993. "Introduction," p 1-30.
  3. 3.0 3.1 3.2 "'Q.'" Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  4. "The Case Against Q". "Mark Goodacre. Nobyembre 5, 2002. Nakuha noong Abril 15, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. James R. Edwards , The Hebrew Gospel and the Development of the Synoptic Tradition, Wm. B. Eerdmans Publishing, 2009 p. 228
  6. (From the preface to the Sayings Gospel Q, International Q Project, 2001 http://homes.chass.utoronto.ca/~kloppen/iqpqet.htm Naka-arkibo 2020-06-20 sa Wayback Machine.)
  7. Reconstruction of Q Naka-arkibo 2010-08-18 sa Wayback Machine. by Tabor
  8. "The Sayings of Jesus in The Teaching of the Twelve Apostles - Clayton N. Jefford - Google Books". Books.google.ca. Nakuha noong Abril 29, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "The Many Deaths of Judas Iscariot: A Meditation on Suicide - A. M. H. Saari - Google Books". Books.google.ca. Hulyo 26, 2006. Nakuha noong Abril 29, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)