Pumunta sa nilalaman

Qubit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pagbibilang na qantum, ang qubit o quantum bit ang payak na unit ng impormasyong quantum na isang bersiyomg quantum ng klasikot bit na pisikong makikita sa isang dalawang estadong device. Ang qubit ay isang dalawang estado o lebel na sistemang mekanikang quantum na isa sa pinakasimpleng mga sistemang quantum na nagpapakita ng pekulariadad ng mekanikang quantum. Ang mga halimbawa nito ay kinabibilangan ng spin ng isang elektron kung saan ang dalawang lebel ay maaring pataas o pababa o polarisasyong photon!polarisasyon ng isang photon kung saan ang dalawang estado ay maaaring isang polarisasyong bertikal o horisontal. Sa sistemang klasiko, ang isang bit ay nasa isang estado o isa pa. Gayunpaman, sa mekanikang quantum, ang qubit ay maaaring nasa koherenteng superposisyon ng parehong estado ng sabay sabay na isang katangian na pundamental na mekanikang quantum at pagbibilang na quantum.