Pumunta sa nilalaman

Queso blanco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Queso blanco
Isang plato ng Queso fresco
RehiyonAmerikang Latina
Pinagmumulan ng gatasBaka


Ang queso blanco (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈkeso ˈβlaŋko]), na may literal na kahulugang kesong puti sa wikang Kastila, ay maaaring tumutukoy sa samu't saring uri ng keso na may puting kulay. Nakadepende sa rehiyon ang keso na tinutukoy nito.

Mga uri ayon sa rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kapipigang queso fresco mula sa Mehiko na nasa ibabaw ng katsa

Sa lutuing Mehikano ang queso blanco ay gawa sa gatas ng baka, habang ang queso fresco (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈkeso ˈfɾesko]) ay maaaring gawin mula sa kombinasyon ng mga gatas ng baka at kambing. Natutunaw nang mabuti ang ilang uri ng ganitong keso, tulad ng kesong Oaxaca, pero lumalabot lang ang karamihan.[1] Kung piniga, at mas maraming tubig ang inalis, nagiging queso seco ito. Minsan nabubuo ito sa pagpiga ng lagnaw mula sa kesong cottage.

Republikang Dominikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa lutuin ng Republikang Dominikano, ang queso blanco ay matigas at maalat na keso na ginagamit sa pagpiprito: queso frito.[2]

Sa lutuing Pilipino, ang kesong puti ay gawa sa gatas ng kalabaw.

Sa lutuing Portuges, ang queijo fresco (Bigkas sa wikang Portuges: [ˈkeijʒu ˈfɾeʃku]) ay tumutukoy sa kesong di-laon na banayad, malambot, makrema, at maputi na ginagamit sa buong Tangway ng Iberia. Sa Azores, inihahain ang queijo fresco kasama ng pimenta de terra, isang sarsa ng sariwang paminta.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Guide to Mexican Cheeses" [Gabay sa mga Keso ng Mehiko] (sa wikang Ingles). Gourmet Sleuth. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-15. Nakuha noong 2007-10-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Queso Frito (Dominican Fried Cheese)" [Queso Frito (Pinritong Keso ng mga Dominikano)]. Dominican Cooking (sa wikang Ingles). 2002-03-21. Nakuha noong 2019-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Azores cuisine: Cooking with a unique twist" [Lutuin sa Azores: Kakaibang pagluluto]. Portugal Adventures (sa wikang Ingles). 2013-10-03. Nakuha noong 2019-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)