Pumunta sa nilalaman

Arkanghel Rafael

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rafael (arkanghel))
San Rafael
Arkanghel
Benerasyon saSimbahang Katoliko
KapistahanSetyembre 29 kasama sina San Miguel at Gabriel
PatronManggagamot at nga mga manlalakbay

Ang San Rafael (Pamantayang Hebreo: רָפָאֵל, Rāp̄āʾēl, "Ang Diyos ang siyang tagapaghilom", "Nagpapagaling ang Diyos", "Diyos, Pakigamot", Arabe: رافائيل, Rāfāʾīl) ay ang pangalan ng isang arkanghel sa Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam, na nagsasagawa ng anumang uri ng pagpapagaling.

Si SAN RAFAEL ay ang Arkanghel ng mga Kristiyanong naglalakbay patungong langit.  Siya ang inatasan ng Diyos na maging gabay ng tao sa landas tungo sa ating paghahanap ng mga kayamanan ng tunay na kaligayahan na inihanda ng Diyos para sa kanyang mga anak.  Binibigyan din niya tayo ng liwanag upang makita natin at piliin ang daan ng Diyos, at tayo ay kanyang ipinagtatanggol mula sa anumang panganib maaari nating harapin sa ating paglalakbay pabalik sa Ama.  Si San Rafael ang nagturo kay Tobias kung paano gumawa ng ungguwento mula sa isang isda na siyang nakapagpagaling sa ama ng binata mula sa pagkabulag (Tob. 8:3; 12:15).

Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Lunas ng Diyos”.  Madalas siyang inilalarawan bilang isang anghel na may hawak na isda, sisidlan ng langis, at tungkod ng manlalakbay.

https://tvmaria.wordpress.com/2011/09/29/san-rafael/

PananampalatayaBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.