Raffy Tulfo
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Raffy Tulfo | |
---|---|
Senador ng Bansang Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2022 | |
Chair of the Senate Energy Committee | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hulyo 25, 2022 | |
Nakaraang sinundan | Win Gatchalian |
Chair of the Senate Migrant Workers Committee | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hulyo 25, 2022 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Rafael Teshiba Tulfo 12 Marso 1960 Lungsod ng Quezon, Philippines |
Kabansaan | Filipino |
Partidong pampolitika | Independent |
Asawa |
|
Relasyon | Ramon Tulfo (kapatid na lalaki) Wanda Tulfo Teo (kapatid na babae) Ben Tulfo (kapatid na lalaki) Erwin Tulfo (kapatid na lalaki) |
Anak |
|
Trabaho |
|
Si Rafael Teshiba Tulfo (ipinanganak noong Marso 12, 1960), mas kilala bilang Raffy Tulfo o Idol Raffy, ay isang politiko, broadcast journalist, at media personality na kasalukuyang nagsisilbi bilang isang Senador ng Pilipinas [1] [2]at miyembro ng Senate Electoral Tribunal. [3]
Ang kanyang mga gawain ay nakatuon sa mga isyu ng gobyerno at pribadong sektor, at siya ang pinakakilalang host ng matagal nang programa sa radyo na Wanted sa Radyo, at ang dating anchor ng Aksyon sa Tanghali mula 2014 hanggang 2020 na nagtatampok ng segment na Ipa-Raffy Tulfo Mo.[4] Ang kanyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action, na nagtatampok ng mga video mula sa parehong mga programa, ay ang ikatlong pinakamaraming subscribers na Filipino YouTube channel as of 2021.
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Raffy Tulfo ay ipinanganak bilang Rafael Teshiba Tulfo sa Quezon City noong ika-12 ng Marso 1960. Siya ay anak ni Ramon Tulfo Sr., isang kolonel sa Philippine Constabulary, at ni Caridad Teshiba-Tulfo, isang maybahay. Siya ay pang-walong anak sa sampung magkakapatid, kabilang sina Ramon, Ben, at Erwin na mga broadcaster, at dating tourism secretary na si Wanda Corazon Teo.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil hindi natapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, nag-ikot si Tulfo sa iba't ibang mga unibersidad at kinuha ang ilang kurso tulad ng ekonomiya, political science, agribusiness at commerce, ngunit hindi niya ito natapos bago siya naging isang mamamahayag.[5]
Nagawa at Mga Tagumpay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakamit ni TV5 news anchor Raffy Tulfo ang “Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award” mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa broadcast industry. Ito ay ibinibigay sa mga matagal nang journalist sa news at public affairs. Ito ay naibigay na rin sa mga kilalang journalist tulad nina Luchi Cruz-Valdes, Maria Ressa, Noli De Castro, Jessica Soho, Mel Tiangco, at iba pa. Nakuha ni Tulfo ang parangal sa 35th PMPC Star Awards for Television sa Winford Manila Resort and Casino noong January 28, 2023. Nakatanggap din ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award si Connie Angeles, Senior Assistant Vice President at Executive Director para sa Health ng SM Foundation, Inc. Sa mahigit 20 taon ng kanyang public service, isa si Tulfo sa mga kinikilalang broadcast personalities ng TV5 dahil sa kanyang mga programa tulad ng “Frontline Pilipinas,” “Aksyon Weekend,” “Aksyon sa Tanghali,” “Idol in Action,” at “Wanted sa Radyo.” Nagawa ni Tulfo na magtayo ng sariling pangalan sa public service sa larangan ng broadcasting. Dahil sa kanyang malakas at walang takot na personalidad, kasama ang kanyang mabilis na pag-iisip at matapang na hangarin na magbigay ng agarang tulong sa mga taong humihingi ng tulong mula sa mga panlipunang at sibil na injustices, nakakuha siya ng tiwala ng mga Pilipino at tinawag siya bilang “Hari ng Public Serbis." [6]
Politiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-2 ng Oktubre 2021, nag-file si Tulfo ng kanyang certificate of candidacy bilang isang independent candidate para sa 2022 senatorial election. Noong Pebrero 8, 2022, sumali siya sa senatorial slate ni presidential candidate Manny Pacquiao.
Kaso Laban sa Pagkakakanditura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang disqualification case ay ang legal na proseso ng pagpapawalang-bisa ng isang kandidato sa isang halalan dahil sa mga rason tulad ng hindi pagkakaroon ng tamang kwalipikasyon o kwalipikasyon na nabago, paglabag sa mga batas ng eleksyon, o iba pang mga rason na nakasaad sa batas. Sa kaso ng disqualification, ang isang kandidato ay maaaring mawala sa balota at hindi maaring lumaban sa halalan. Ito ay isang mahalagang aspeto ng sistema ng eleksyon upang mapanatili ang integridad ng halalan at tiyaking ang mga kandidato ay mayroong kwalipikasyon at sumusunod sa mga regulasyon ng eleksyon. Isang disqualification case ang naihain laban kay Raffy Tulfo.
Sa isang pagpupulong, ang pitong miyembro ng Comelec en banc ay unanimong nagbasura ng disqualification case laban kay Tulfo na isinampa ni Julieta Licup Pearson. Sinabi ng en banc na ang motion for reconsideration na isinampa ni Pearson ay hindi nagbibigay ng sapat na ebidensya upang mag-iba ng desisyon na ginawa ng Comelec's First Division. Ayon sa ruling, si Tulfo ay naitalaga na bilang senador noong Mayo 18, 2022, at sumumpa sa opisyal na tungkulin noong Hunyo 22, 2022. Ang kasong ito ay hindi na sakop ng Comelec dahil ang isang sitting member ng Senado ay hindi maaring disqualify at ngayon ay sakop na ito ng Senate Electoral Tribunal, ayon sa jurisprudence. [7] [8] [9]
Personal na buhay at pamilya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kontrobersya't Iskandalo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Alegasyon, Iskandalo o Kontrobersya | Kasangkot | Hatol |
---|---|---|---|
2000 | Paninirang Puri; kasong may kaugnayan sa isang opisyal ng Bureau of Customs [10] | Raffy Tulfo, at mga dalawa pang boss sa Abante Tonite. | Abswelto ng Korte Suprema |
2003 | Panninirang Puri; Kaso ni Michael Guy, isang businessman | Raffy Tulfo, Allen Macasaet, Nicolas V. Quijano Jr, Janet Bay, Jesus P. Galang, Randy Hagos, Jeany Lacorte, and Venus Tandoc | Natagpuang nagksala: Pinagbabayad ng P700,000 hanggang sa P1.71 milyon. |
2019 | Pagsusulong ng hustisya sa pamamagitan ng sariling kamay [11] | Guro: Melita Limjuco, Komisyon ng Karapatang Pantao | |
2021 | Pagkakasangkot sa kasong bigamy. [12] | Atty. Lifrendo Gonzales, abogado ni Julieta Nacpil Licup |
Pinag-iwanan at epekto sa lipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga natanggap na parangal at pagkilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga nai-publish, mga talumpati, at iba pang mga notable na gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mula sa isang pahayag ni Julieta Licup Pearson, na nag-angkin bilang unang asawa ni Tulfo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Philippine Senate. "List of Senators - 19th Congress." Senate of the Philippines, n.d.,
- ↑ Vibal-Guioguio, Peachy. "The Tulfo brothers in the eyes of their children". Philstar.com. Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "HON. SENATOR RAFFY T. TULFO | Senate Electoral Tribunal" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About | Raffy Tulfo in Action". raffytulfoinaction.com. Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Huwag Ninyo Akong Tularan: Raffy Tulfo, aminadong nag-dropout siya sa college noon[patay na link]." ABS-CBN Entertainment, 2021,
- ↑ BusinessMirror (2023-02-01). "Raffy Tulfo receives Lifetime Achievement Award from 35th PMPC Star Awards for TV". BusinessMirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Comelec junks attempt to disqualify Tulfo from 2022 Senate race". Philstar.com. Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sarao, Zacarian (2023-03-01). "Comelec denies motion to reverse dismissal of DQ case vs Raffy Tulfo in 2022 polls". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Comelec throws out DQ case vs Raffy Tulfo with finality". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2023-03-01. Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Supreme Court acquits Raffy Tulfo of libel to 'protect vigilant press'". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-06-29. Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabico, Gaea Katreena. "Media must complement rule of law, not supplant it, CHR says". Philstar.com. Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mercado, Neil Arwin (2019-06-10). "Bigamy case filed vs Raffy Tulfo — lawyer". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)