Pumunta sa nilalaman

Rayon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Malapitang kuhang larawan ng rayon, mula sa isang palda.

Ang rayon (Ingles: Rayon, Kastila: Rayón) ay isang sintetikong hibla, sinulid o tela, o pibrang gawa ng tao.[1][2] Bilang uri ng hibla, bunot, o pibra, isang itong pinanariwa (nagdaan sa rehenerasyon) o muling sinariwang selulosa. Nanggagaling ang rayon mula sa halamang bulak o kahoy. Sa pangkalahatan, ikinakalakal ang rayon sa ilalim ng markang Avril, ngunit mayroon pang ibang mga tatak ito batay sa uri ng rayon.[2]

Kabilang sa mga uri ng rayon ang asetato (Ingles: acetate, Kastila: acetato), rayong kupramonyum, rayong kupramonyo, o kupramonyong rayon (Ingles: cuprammonium rayon), at malapot na rayon (Ingles: viscose rayon).[2]

Kabilang sa mga tatak pangkalakal ng asetato ang Estron at Arnel (triasetato o triacetate sa Ingles). Pangunahing ginagamit ang asetato sa paggawa ng mga kasuotan, mga kumot, mga alpombra, at sa pagtatapete.[2]

Rayong kupramonyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang rayong kupramonyo ay pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga mamahaling mga damit o kasuotang maluho. Ikinakalakal ang kupramonyong rayon sa ilalim ng pangalang Cuprammonium Rayon at Bemberg.[2]

Malapot na rayon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikinakalakal ang rayong malapot sa ilalim ng tatak na Fortisan. Pangunahing ginagamit ito sa paggawa ng mga kasuotan, mga pamalisan at alpombra, mga kumot, may palamuting mga tela, at mga bagay o kagamitang naitatapon kaagad pagkaraan lamang ng isang gamitan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Rayon, Acetate, Cupraammonium Rayon, Viscose Rayon". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Some Important Man-made Fibers, Nylon and Other Man-made Fibers, titik N, pahina 428.

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.