Pumunta sa nilalaman

Realidad na telebisyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Realidad na Telebisyon)

Ang reality television ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang "totoong buhay" ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista.

May tatlong uri ng reality television. Ang una, ang manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga "plot" na tinipon para sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera, kaya kung minsan ay tinatawag na docusoap.

Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang reaksiyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatwang panoorin pero ito rin ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao.

Ang pangatlong uri ay ang tinatawag na "reality game show", kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba kung bakit ang "reality game show" ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay maaring kasangkot ang mga manonood (ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon) sa pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal (disapproval voting), ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na reality-based game show ay ang Survivor.

Sa isang banda, nako-control pa rin ng mga producer ang format ng palabas at maari nilang imanipula ang kalalabasan ng ilan sa mga ito, kaya napapisip ang ilang kung gaano ba katotoo ang reality television.

telebisyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.