Himagsikang Pang-agham
| Petsa | 1543–1687 |
|---|---|
| Lugar | Europe |
| Kinalabasan | Rebolusyong Copernican Panahon ng Paliwanag |
Ang Himagsikang Pang-agham o Siyentipikong Rebolusyon (Ingles: Scientific Revolution) ay serye ng mga pangyayari na nagmarka sa pag-usbong ng makabagong agham noong maagang makabagong panahon. Sa panahong ito, umunlad ang kaalaman sa larangan ng matematika, pisika, astronomiya, biyolohiya (kasama ang anatomiya ng tao), at kimika, kaya't nagbago ang pananaw ng lipunan tungkol sa kalikasan.[1][2][3][4][5][6] Ang Siyentipikong Rebolusyon ay naganap sa Europa sa ikalawang kalahati ng panahon ng Renasimiyento, na nagsimula noong 1543 sa paglalathala ni Nicolaus Copernicus ng De revolutionibus orbium coelestium (Sa Pag-inog ng mga Masalangit na Espero), na madalas itinuturing na simula nito. Ang Siyentipikong Rebolusyon ay tinawag na "ang pinakamahalagang pagbabago sa kasaysayan ng tao" mula noong Neolitikong Rebolusyon.[7][8]
Ang panahon ng Siyentipikong Renasimyento ay naging mahalaga dahil dito muling nabuhay ang interes ng mga tao sa pag-aaral ng siyensiya at kalikasan. Isa sa pinakamahalagang pangyayari dito ay noong inilathala ni Isaac Newton noong 1687 ang Principia, isang aklat na naglalaman ng mga batas ng galaw at unibersal na grabitasyon. Dahil dito, nabuo ang bagong pananaw tungkol sa kalawakan, na tinatawag na kosmolohiya. [9] Ang sumunod na Panahon ng Kalinawagan ay nagpakita ng konsepto ng siyentipikong rebolusyon noong ika-18 siglo. Isinulat ni Jean Sylvain Bailly na may dalawang yugto ang prosesong ito: una ay ang pag-alis sa lumang paniniwala, at pangalawa ay ang pagtatatag ng bago. [10] Patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga iskolar ang mga hangganan at saklaw ng Siyentipikong Rebolusiyon at ang panahon nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Galilei, Galileo (1974) Two New Sciences, trans. Stillman Drake, (Madison: Univ. of Wisconsin Pr. pp. 217, 225, 296–67.
- ↑ Moody, Ernest A. (1951). "Galileo and Avempace: The Dynamics of the Leaning Tower Experiment (I)". Journal of the History of Ideas. 12 (2): 163–93. doi:10.2307/2707514. JSTOR 2707514.
- ↑ Clagett, Marshall (1961) The Science of Mechanics in the Middle Ages. Madison, Univ. of Wisconsin Pr. pp. 218–19, 252–55, 346, 409–16, 547, 576–78, 673–82
- ↑ Maier, Anneliese (1982) "Galileo and the Scholastic Theory of Impetus", pp. 103–23 in On the Threshold of Exact Science: Selected Writings of Anneliese Maier on Late Medieval Natural Philosophy. Philadelphia: Univ. of Pennsylvania Pr. ISBN 0-8122-7831-3
- ↑ Hannam, p. 342
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangGrant); $2 - ↑ Juan Valdez, The Snow Cone Diaries: A Philosopher's Guide to the Information Age, p 367.
- ↑ Daston, Lorraine (2015-11-28). "The Invention of Science: A New History of the Scientific Revolution by David Wootton review – a big bang moment". The Guardian. Nakuha noong 2024-11-14.
- ↑ "PHYS 200 – Lecture 3 – Newton's Laws of Motion – Open Yale Courses". oyc.yale.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 September 2023. Nakuha noong 2 August 2015.
- ↑ Cohen, I. Bernard (1976). "The Eighteenth-Century Origins of the Concept of Scientific Revolution". Journal of the History of Ideas. 37 (2): 257–88. doi:10.2307/2708824. JSTOR 2708824.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.