Ural (rehiyon)
Tumutukoy ang Ural (Ruso: Ура́л) sa isang heograpikong rehiyon na matatagpuan sa may Bulubundukin ng Ural, sa pagitan ng kapatagang Silangang Europeo at Kanlurang Siberiyano. Itinuturing ito bilang bahagi ng Estepang Euroasyatiko, na umaabot mula sa may Hilaga hanggang Timog; mula sa Karagatang Artiko hanggang dulo ng Ilog ng Ural na malapit sa lungsod ng Orsk. Ang hangganan sa pagitan ng Europa at Asya ay nasa kahabaan ng Silangang bahagi ng Bulubundukin ng Ural.[3] Ang Ural ay halos nasa kalooban ng Rusya, ngunit kasama rin dito ang isang maliit na bahagi ng Hilagang-kanlurang Kazakhstan. Isa itong makasaysayang entidad sa halip na opisyal, na may mga hangganan na nagkakasanib sa mga karatig na rehiyon ng Kanlurang Volga at Silangang Siberia. Sa isang yugto noon, itinuring ang mga bahagi ng rehiyon ng Ural na umiiral sa kasalukuyan bilang daanan patungo sa Siberia, o bilang Siberia mismo, at isinama sa dibisyong pang-administratibo ng Volga. Ngayon, may dalawang opisyal na entidad na magkapangalan: Distritong Pederal ng Ural at Rehiyong pang-ekonomiko ng Ural. Habang sinusundan ng huling nabanggit ang mga makasaysayang hangganan, ang unang nabanggit ay isang produkto ng pulitika; tinanggal sa Distrito ang Kanlurang Ural at sa halip nito, ay isinama ang Kanlurang Siberia.
Ang sentro ng kasaysayan sa Ural ay Cherdyn. Sa kasalukuyan, isa itong maliit na bayan sa Perm Krai. Ang Perm ay naging sentro ng pangangasiwa ng guberniya na may parehong pangalan sa pagsapit ng 1797. Naging bahagi ang karamihan ng teritoryo ng makasaysayang at modernong Ural sa Guberniya ng Perm. Inilipat ang sentro ng pangagasiwa ng Ural patungo sa Sverdlovsk (Yekaterinburg sa kasalukuyan) pagkatapos ng Rebolusyon at Digmaang Sibil. Sa kasalukuyan, walang kabiserang pang-administrtibo o impormal ang rehiyong pang-ekonomiko ng Ural, habang Yekaterinburg ang sentro ng pangangasiwa ng Distritong Pederal ng Ural.[1]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula ika-11 dantaon, ang tawag ng mga Ruso sa rehiyon ng Bulubundukin ng Ural ay Kamyen' (Камень, "Ang Bato"). Sa gitna ng ika-16 hanggang simula ng ika-17 dantaon, nakilala ang mga timugang bahagi bilang Ural, na kumalat sa kalaunan sa buong bahagi. Nagmula siguro ang pangalan mula sa Turkong "aral". Ang literal na kahulugan nito ay "pulo", at ginamit ito para sa anumang teritoryo na nag-iiba sa pumapaligid na lupain. Sa Bashkortostan mayroong alamat noong ika-13 dantaon tungkol sa isang bayaning nagngangalang Ural. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kapakanan ng kanyang mga bayan, at binuhusan ang kanyang libingan ng mga bato, na kalaunan ay naging Bulubundukin ng Ural.[3]
Topograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa topograpiya at iba bang mga likas na katangian, nahahati ang Ural, mula hilaga patungo sa timog, sa Polar (o Artiko), Lapit-sa-Polar (o Sub-Artiko), Hilaga, Gitna at Timugang bahagi. Ang Polar na Ural ay mayroong lapad ng halos 25,000 km2 g na may baha-bahaging kataasan. Ang Lapit-sa-Polar na Ural ay mas malapad (hanggang 150 km) at mas mataas kaysa sa Polar na Ural. Binubuo ang Hilagang Ural ng mga sunod-sunod na magkaagapay na tagaytay na may taas na hanggang 1,000–1,300 m at pahabang depresyon, na pinahaba mula hilaga patungong timog. Ang Gitnang Ural ang pinakamababang bahagi ng mga Ural, kung saan ang pinakamtaas na bundok na 994 m (Basegi) at isang makinis na relyebe. Mas masalimuot ang relyebe ng Timugang Ural, na may iilang lambak at tagaytay na patimog-silangan at pameridyano.[3][4]
Heolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalaman ang mga ural ng 48 espesye ng inambato at mineral na kapaki-pakinabang sa ekonomika. Ang mga Silangang rehiyon ay sagana sa mga inambato ng chalcopyrite, [[nickel oxide|nickel oxide]], [[nickel oxide|chromite]] at [[nickel oxide|magnetite]], pati na rin sa uling (Oblast ng Chelyabinsk), [[bauxite|bauxite]], ginto at platino. Nilalaman naman ang Kanlurang Ural ng mga deposito gn uling, langis, gasolina, at asin ng potasyo. Ang espesyalidad ng mga Ural ay hiyas o mamahaling bato, tulad ng esmeralda, ametista, agwamarina, haspe, [[nickel oxide|rhodonite]], [[nickel oxide|malachite]] at diyamante.[3]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kontinental ang klima ng Ural. Pahaba ang mga tagaytay ng Bulbundukin ng Ural mula hilaga patungong timog. Epektibo ang mga ito sa pagsasagap ng sinag ng araw, at sa gayon, tumataas ang temperatura. Mas mainit nang 1–2 °C ang mga lugar sa kanluran ng Bulubundukin ng Ural sa tagginaw kaysa sa mga silangang rehiyon dahil pinapainit ang kanlurang bahagi ng mga hangin ng Atlantiko habang pinapalamig ng mga hangin ng Siberia ang mga silangang dalisdis. Tumataas ang mga balasak na temperatura sa Enero sa mga kanlurang bahagi mula –20 °C sa Polar hanggang –15 °C sa mga Timugang Ural at ang mga kaukulang temperatura sa Hulyo at 10 °C at 20 °C. Nakatatanggap din ang mga kanlurang bahagi ng mas maraming ulan kaysa sa silangan nang 150–300 mm bawat taon. Nasa Hilagang Ural ang pinakamataas na presipitasyon (1000 mm) na nagdudulot ng karaniwang taas ng niyebe na hanggang 90 cm. Nakatatanggap ang mga silangang bahagi ng 500 hanggang 600 mm sa hilaga at 300–400 mm sa timog.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Указ Президента РФ от 13 мая 2000 г. N 849 "О полномочном представителе Президента Российской Федерации в федеральном округе" (Kautusan Blg 849 ng Pangulo ng Rusya noong ika-13 ng Mayo, 2000)" (sa wikang Ruso).
- ↑ "Rehiyong pang-ekonomiko ng Ural" (sa wikang Ruso). Great Soviet Encyclopedia. Nakuha noong Hunyo 18, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "Ural (heograpiko)" (sa wikang Ruso). Great Soviet Encyclopedia. Nakuha noong Hunyo 18, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ural Mountains, Encyclopædia Britannica on-line