Pumunta sa nilalaman

Pakikipag-ugnayang pahapyaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Relasyong kasuwal)

Ang pakikipag-ugnayang pahapyaw, pakikipag-ugnayang panandalian, pakikipag-ugnayang impormal, pakikipag-ugnayang hindi pangmatagalan, pakikipag-ugnayang kaswal, o ugnayang maluwag (Ingles: casual relationship, fling) ay isang pangkatawan o pisikal at pandamdaming pakikipag-ugnayan o ugnayan sa pagitan ng dalawang tao na maaaring may pakikipag-ugnayang seksuwal o pampagtatalik (isang sitwasyong tinatawag na pakikipagkaibigang may benepisyo, pakikipagkaibigang pampagtatalik, pakikipagkaibigang may pakinabang, pakikipagkaibigang may pagkinabang, pakikipagkaibigang impormal, o pakikipagkaibigang seksuwal)[1]) o isang halos pampagtatalik o seksuwal na ugnayan na hindi talaga nangangailangan ng paghingi o paghiling o umaasa ng dagdag na paninindigan na makikita sa isang mas pormal na pakikipag-ugnayang romantiko. Ang mga motibo para sa mga ugnayang kaswal ay nag-iiba-iba.[2] Mayroong mahahalagang mga pagkakaibang pangkasarian at pangkultura sa pagtanggap ng at lawak ng mga ugnayang pahapyaw,[3][4][5][6] pati na sa panghihinayang hinggil sa pagkilos o hindi pagkilos sa ganitong mga ugnayan.[7]

Ang isang ugnayang kaswal ay maaaring minsanan lamang, o para sa loob ng maiksing panahon, at maaari o maaaring hindi monogamo. Ang katawagang ito ay nagsasangkot ng mga pagkakaibigan sa pagitan ng mga tao na nakakakuha ng kasiyahan sa pagiging matalik nila na pangkatawan subalit hindi naghahangad na maging pangmatagalan, at maaari o maaaring hindi kasangkutan ng mga partidong nagnanais ng pansamantalang ugnayan para sa layunin ng kasiyahang seksuwal. Sa bawat isang kasong ito, ang pangingibabaw ng ugnayan sa mga buhay ng mga kasangkot ay kusang may hangganan o mayroong limitasyon, at pangkaraniwan na mayroong isang diwa o pagdama na ang ugnayan ay nilalayon na magtagal lamang habang o hangga't ang mga partido o magkabilang panig ay nagnanais nito o malagay sa ganitong kalagayan.

Kaiba ang ugnayang kaswal mula sa pagtatalik na pahapyaw, na may kaunti o walang elementong pandamdamin, at mula sa isang pang-isang gabing pagtatalik, dahil ang ugnayan ay lumalampas sa isang enkuwentrong seksuwal o may pagtatalik. Hanggang sa kalagayan na nagkaroon ng kaswal na pagniniig na seksuwal, ang ugnayan ay pangkalahatang nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga kagustuhang seksuwal, sa halip na pangpag-ibig, romansa, o pangdamdaming mga pangangailangan. Paminsan-minsan, ang pakikipag-ugnayang seksuwal ay kinabibilangan ng pagtangkilik o pagsuportang nagbibigayan at sabayan, apeksiyon at kaaliwan, na makikita sa iba pang mga uri o anyo ng pakikipag-ugnayang may pagmamahalan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. sex-partner. CollinsDictionary.com. Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 11th Edition. Retrieved November 13, 2012.
  2. Belle, Heather; Michelle Fiordaliso (2009). Everything You Always Wanted to Know About Ex*. Sourcebooks Casablanca. ISBN 1-4022-2923-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Chara PJ, Kuennen LM (Pebrero 1994). "Diverging gender attitudes regarding casual sex: a cross-sectional study". Psychol Rep. 74 (1): 57–8. PMID 8153236. Abstract: Students at five educational levels ranging from seventh graders to college seniors were surveyed regarding their attitudes about the acceptability of casual sex. A striking developmental contrast was found: males became increasingly accepting of casual sex; females were consistently opposed to casual sex at all educational levels.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cubbins LA, Tanfer K (Hunyo 2000). "The influence of gender on sex: a study of men's and women's self-reported high-risk sex behavior". Arch Sex Behav. 29 (3): 229–57. doi:10.1023/A:1001963413640. PMID 10992980.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Welsh DP, Grello CM, Harper MS (Agosto 2006). "No strings attached: the nature of casual sex in college students" (PDF). J Sex Res. 43 (3): 255–67. doi:10.1080/00224490609552324. PMID 17599248. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-02-24. Nakuha noong 2012-01-08.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) Naka-arkibo 2007-02-24 sa Wayback Machine.
  6. Gwen J. Broude, 'Male-Female Relationships in Cross-Cultural Perspective: A Study of Sex and Intimacy' Cross-Cultural Research, Vol. 18, No. 2, 154–181 (1983) Abstract: Societies are neither entirely consistent nor entirely arbitrary in their patterning of heterosexual relationships. This research suggests that sexual relationships, and male sexual orientation are not highly related to each other.
  7. Roese NJ, Pennington GL, Coleman J, Janicki M, Li NP, Kenrick DT (Hunyo 2006). "Sex differences in regret: all for love or some for lust?". Pers Soc Psychol Bull. 32 (6): 770–80. doi:10.1177/0146167206286709. PMC 2293329. PMID 16648202. Abstract: within romantic relationships, men emphasize regrets of inaction over action, whereas women report regrets of inaction and action with equivalent frequency. Sex differences were not evident in other interpersonal regrets (friendship, parental, sibling interactions) and were not moderated by relationship status{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)