Pumunta sa nilalaman

Respirasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Respirasyon (pisyolohiya))

Sa pisyolohiya, ang respirasyon ay ang paglilipat ng oksihena mula sa hangin patungo sa mga selulang nasa mga tisyu, at ang paglilipat naman ng dioksidong karbono nang palabas.

Huwag malito sa pisyolohikal na kahulugan ng respirasyon sa biyokemikal na kahulugan ng respirasyon, na tumutukoy sa selulang respirasyon: ang metabolikong proseso kung saan ang isang organismo ay nakakakuha ng enerhiya sa pamamagitan nang reaksyon ng oxygen kasama ang glucose para magbigay ng tubig, dioksidong karbono at 38 ATP (enerhiya). Bagaman ang pisyolohikang respirasyon ay kailangan para maipagpatuloy ang selulang respirasyon at kaya sa buhay ng mga hayop, ang mga proseso ay natatangi: ang selulang respirasyon ay nagaganap sa kada selula ng isang organismo, habang ang pisyolohikang respirasyon ay nakaukol sa malakihang pagdaloy at paglilipat ng mga metabolite sa pagitan ng organismo at kapaligiran.

Ang paghinga (na sa mga organismong may baga ay tinatawag na bentilasyon kasama ang paglanghap at pagbuga) ay isang bahagi ng pisyolohikang respirasyon. Kaya, sa wastong paggamit, ang mga salitang paghinga at bentilasyon ay hiponimo, at hindi singkahulugan; ngunit ito ay hindi palaging nasusunod, kahit sa karamihan ng mga nagbibigay kalinga sa kalusugan, dahil ang terminong respiratory rate (RR) sa Ingles ay isang matatag na terminong pangkalusugan, kahit na dapat itong mapalitan ng ventilation rate kung ang wastong gamit ang susundin.