Pumunta sa nilalaman

Paghihiganti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Revenge)
Si Nemesis ng mitolohiyang Griyego, isang sagisag ng "banal na paghihiganti". Ang larawang ito ay ipininta ni Alfred Rethel noong 1837.

Ang paghihiganti ay isang nakasasalanta o nakakapinsalang kilos laban sa isang tao o pangkat bilang pagtugon sa isang daing o karaingan, reklamo, pagdaramdam, o sama ng loob, totoo man ito o iniisip lamang. Maaari itong ilarawan bilang isang anyo ng katarungan, isang galaw na altruwistiko na nagpapatupad ng katarungang panlipunan o pangmoralidad bukod pa sa sistemang pambatas. Inilarawan ito ni Francis Bacon bilang isang uri ng "marahas na katarungan" (wild justice sa Ingles).[1] Sa mitolohiyang Griyego, ang kumakatawan sa "banal na paghihiganti" ay si Nemesis.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ON REVENGE" ni Sir Francis Bacon

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.