Ritung Romano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ritong Romano)
Jump to navigation Jump to search
Altar ng Santa Cecilia sa Trastevere sa Roma, sa ayos noong 1700

Ang Ritung Romano (Latin: Ritus Romanus) ay ang ritung liturhikal na ginagamit ng Simbahang Katolika sa Diyosesis ng Roma. Ito ang pinakalaganap sa mga Lating ritung liturhikal, na ginagamit ng mga Kanluranin o Latin na awtonomong simbahang partikular, isa sa 23 na buong komunyon sa Obispo ng Roma. Gaya ng iba pang ritung liturhikal, ang Ritung Romano ay lumawak at yumabong sa pagdaan ng panahon. Maaring hatiin ang Liturhiya ng Eukaristiya nito sa tatlong makasaysayang bahagi: Pre-Tridentina (bago ang Konsilyo ng Trent), Tridentina (Forma Extraordinaria ng Ritung Romano) at Post-Tridentina (Forma Normativa ng Ritung Romano o Misa ni Paulo VI).

Sa kaniyang Summorum Pontificum noong 2007, motu proprio na inaprubahan ni Papa Benedicto XVI ang patuloy na paggamit ng Misal Romano ng 1962, na may ilang limitasyon – sa pagdiriwang ng misa sa sambayanan bilang ekstraordinaryong porma ng Ritung Romano.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]