Ritong Romano
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Ritong Romano (Latin: Ritus Romanus) ay ang ritung liturhikal na ginagamit ng Simbahang Katolika sa Diyosesis ng Roma. Ito ang pinakalaganap sa mga Lating ritung liturhikal, na ginagamit ng mga Kanluranin o Latin na awtonomong simbahang partikular, isa sa 23 na buong komunyon sa Obispo ng Roma. Gaya ng iba pang ritung liturhikal, ang Ritung Romano ay lumawak at yumabong sa pagdaan ng panahon. Maaring hatiin ang Liturhiya ng Eukaristiya nito sa tatlong makasaysayang bahagi: Pre-Tridentina (bago ang Konsilyo ng Trent), Tridentina (Forma Extraordinaria ng Ritung Romano) at Post-Tridentina (Forma Normativa ng Ritung Romano o Misa ni Paulo VI).
Sa kaniyang Summorum Pontificum noong 2007, motu proprio na inaprubahan ni Papa Benedicto XVI ang patuloy na paggamit ng Misal Romano ng 1962, na may ilang limitasyon – sa pagdiriwang ng misa sa sambayanan bilang ekstraordinaryong porma ng Ritung Romano.