Ritung Romano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Altar ng Santa Cecilia sa Trastevere sa Roma, sa ayos noong 1700

Ang Ritung Romano (Latin: Ritus Romanus) ay ang ritung liturhikal na ginagamit ng Simbahang Katoliko sa Diyosesis ng Roma. Ito ang pinakalaganap sa mga Lating ritung liturhikal, na ginagamit ng mga Kanluranin o Latin na awtonomong simbahang partikular, isa sa 23 na buong komunyon sa Obispo ng Roma. Gaya ng iba pang ritung liturhikal, ang Ritung Romano ay lumawak at ginamit sa pagdaan ng mga siglo. Maaring hatiin ang Liturhiya ng Eukaristiya nito sa tatlong makasaysayang bahagi: Pre-Tridentina, Tridentina at Post-Tridentina.

Sa kaniyang Summorum Pontificum noong 2007, motu proprio na inaprubahan ni Papa Benedicto XVI ang patuloy na paggamit ng Misal Romano ng 1962, na may ilang limitasyon – sa pagdiriwang ng misa sa sambayanan bilang ekstraordinaryong porma ng Ritung Romano.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]