Roberto Salido
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Setyembre 2017) |
Si Roberto S. Salido (1936 - ) ay isang Pilipinong imbentor na kilala sa kanyang imbensiyon ng mga pataba sa halaman. Nakatanggap siya World Intellectual Property Organization (WIPO) Gold Medal Award para sa pinakanatatanging imbensiyon. Siya rin ay naparangalan ng National Science Development Board (NSDB) Award, Presidential Panday Pira Award (1976), National Science and Technology Authority (NSTA) Award (1989), Department of Science and Technology (DOST) - Technology Application and Promotion Institute's Top Prize.
Nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila si Roberto pero natagpuan niya ang sarili na mas masaya sa pag-aalaga ng halaman kaysa sa abogasya na sabi nga niya ay nagpapataas ng presyon ng dugo. Iniwanan niya ang pagiging abogado at itinatag ang kanilang sariling pampamilyang korporasyon, ang Sagana 100 Philippines. Nakilala ang kanyang patabang Sagana 100 kaya pinagkalooban siya ng WIPO Gold medal dahil dito. Kinilala rin siyang "Outstanding Entrepreneur" ng Department of Trade and Industry at ginawaran ng Masikap Award noong 1975. Nabigyan naman siya ng DOST-IACT Gold Medal for Producing the most Oustanding Agicultural Product Invention noong taong 1989.
Naging inspirasyon ni Salido ang artikulong isinulat ni Edward Teller, kung saan nanawagan ito na gumamit ng pataba na makapagpapanumbalik sa nutrisyon ng lupa. Natanim sa isipan ni Salido ang posibilidad na makagawa ng patabang hindi magdadagdag kemikal sa lupa, bagkus ay mapapanatili ang balanse ng ekolohidad. Ang kanyang pormulasyon ay binubuo ng nitrogen, phosphorus, potash, humus, beneficial microbes (nitrogen-fixing bacteria), micro and trace elements, agricultural time at plant hormones.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maximizing productivity via Integrated Fertilizer Management, Roberto S. Salido. MARID Agribus Digest. 13. 5. Oct-02. pp32-35[patay na link] at Sakahang Bayanihan Fundamental and Concept. Roberto S. Salido. Sagana. 2. 1. Jan - Mar 2000. pp10[patay na link]
- (...) "For his part, Roberto Salido, president of the Organic Fertilizers Manufacturers Association (OFMA), said that organic fertilizers provide the necessary elements needed by plants in order to increase their yield, which the inorganic ones fail to offer" (...)[patay na link], Aggressive promotion of bio-organic farming sought, Other News, Committee News, Committee Source: Agriculture and Food, Committee Affairs Department, Tomo 13, Blg. 41, Congress of the Philippines, House of Representatives, 14 Marso 2005