Ronald Remy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Ronald Kookooritchkin, kilala lalo na sa tawag na Ronald Remy ay isang Pilipino na may lahing Ruso. Siya ay isinilang noong 1937 at kabiyak ni Lily Marquez o Jean Remy na isa ring artista sa bakuran ng Premiere Productions. Si Remy ay piansikat ng Istudyong Premiere Productions kasama ng ialng mag sikat na artista tulad nina Fernando Poe Jr., Corazon Rivas Rivas, Lani Oteyza, Zaldy Zshornack at marami pang iba.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Una siyang gumanap noon sa pelikulang Condenado ng Sampaguita Pictures, ng malaunan ay lumipat na sa Premiere Productions kung saan naging palagiang gumanap kasama ang kanyang naging kabiyak.

Gumanap bilang anak ng isang Maton na si Efren Reyes sa pelikulang Anak ng Maton. Naging kasamang sundalo siya ni Fernando Poe Jr. at naging kapareha si Miriam Jurado sa pelikulang Anak ng Bulkan bilang Ramon.

Isang mamamana sa isang epikong pelikulang ginawa niya kabituin si Poe at ang bidang si Lani Oteyza sa Princesa Naranja.

Direktor[baguhin | baguhin ang batayan]

Unang nabigyan ng pagkakataon bilang direktor sa isang malaking pelikula ang Zigzag kung saan idinirihe niya ang Amerikanong si George Nader at Sylvia Lawrence noong 1963. Nabigyan din siya ng proyekto para idirihe ang pelikulang Virgins of Kalatrava Island noong 1967 kung saan naging bida niya ay isang artistang Amerikano na si Alex Nolte kasama ang batang-bata pa noong si Ed Finlan sa ilalim ng [[Victor International Pictures Inc.

Mga Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]