Ronald Remy
Si Ronald Kookooritchkin, kilala lalo na sa tawag na Ronald Remy ay isang Pilipino na may lahing Ruso. Siya ay isinilang noong 1937 at kabiyak ni Lily Marquez o Jean Remy na isa ring artista sa bakuran ng Premiere Productions. Si Remy ay piansikat ng Istudyong Premiere Productions kasama ng ialng mag sikat na artista tulad nina Fernando Poe Jr., Corazon Rivas Rivas, Lani Oteyza, Zaldy Zshornack at marami pang iba.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Una siyang gumanap noon sa pelikulang Condenado ng Sampaguita Pictures, ng malaunan ay lumipat na sa Premiere Productions kung saan naging palagiang gumanap kasama ang kanyang naging kabiyak.
Gumanap bilang anak ng isang Maton na si Efren Reyes sa pelikulang Anak ng Maton. Naging kasamang sundalo siya ni Fernando Poe Jr. at naging kapareha si Miriam Jurado sa pelikulang Anak ng Bulkan bilang Ramon.
Isang mamamana sa isang epikong pelikulang ginawa niya kabituin si Poe at ang bidang si Lani Oteyza sa Princesa Naranja.
Direktor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang nabigyan ng pagkakataon bilang direktor sa isang malaking pelikula ang Zigzag kung saan idinirihe niya ang Amerikanong si George Nader at Sylvia Lawrence noong 1963. Nabigyan din siya ng proyekto para idirihe ang pelikulang Virgins of Kalatrava Island noong 1967 kung saan naging bida niya ay isang artistang Amerikano na si Alex Nolte kasama ang batang-bata pa noong si Ed Finlan sa ilalim ng [[Victor International Pictures Inc.
Mga Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (1973) Ophelia at Paris
- (1973) Dakilang 9
- (1969) The Infiltrators bilang Mr. Banez
- (1968) Mad Doctor of Blood Island bilang Dr.Lorca
- (1968) Escape to Mindanao bilang Lt. Parang (TV Movie)
- (1967) The Longest Hundred Miles 1967 Miguel
- (1967) Incognito 1967
- (1967) Suicide Seven 1967
- (1966) Flight of the Sparrow 1966
- (1964) Mamatay sa laban! 1964
- (1964) Blood Is the Color of Night - bilang Dr. Marco
- (1963) Aninong bakal
- (1962) No Man Is an Island - bilang Chico Torres
- (19620 Asiong Seven
- (1962) Lakas sa lakas
- (1961) Pasong Diablo
- (1961) Pitong sagisag
- (1961) Viva Caballeras
- (1961) Dakilang 9
- (1961) Krusaldo
- (1961) Konsiyerto ng kamatayan segment "Lumuluhang Bangkay"
- (1961) Pusong bakal
- (1960) Sa Ibabaw ng Aking Bangkay
- (1960) Pagsapit ng Hatinggabi
- (1960) Akin ang Paghihiganti
- (1960) Kadenang Putik
- (1960) Viuda de Oro
- (1960) [[Prinsesa Naranja]
- (1960) Materiales Fuertes
- (1959) Anak ng bulkan - bilang Ramon
- (1959) Ang kanyang kamahalan
- (1959) Aawitan kita
- (1959) Ang Maton
- (1958) Condenado