Pumunta sa nilalaman

Rosa Salazar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

 

Si Rosa Salazar /ˈsæləzɑr/ ay ipinanganak noong Hulyo 16, 1985. Sya ay isang artistang may lahing Canadian-American. Nagkaroon siya ng mga pagganap sa serye ng NBC Parenthood noong 2011 hanggang 2012 at ang serye ng FX anthology na American Horror Story: Murder House noong 2011. Nagawa niya ang kanyang pambihirang tagumpay bilang bidang karakter ng pelikulang Alita: Battle Angel noong 2019 at kilala sa pagbibida sa seryeng Brand New Cherry Flavor noong 2021, na siya rin ang nag-co-produce.

Lumabas si Salazar sa The Divergent Series: Insurgent noong 2015, Maze Runner: The Scorch Trials noong 2015, at Maze Runner: The Death Cure noong 2018 at lumabas din sa mga pelikulang Netflix na The Kindergarten Teacher noong 2018 at Bird Box noong 2018. Bida din siya sa serye sa Amazon na Undone mula noong 2019 hanggang 2022.

Si Salazar ay ipinanganak noong Hulyo 16, 1985, sa British Columbia, Canada. Ang kanyang mga magulang ay sina Luis at Marilynne Salazar. [1] [2] Ang kanyang ama ay Peruvian at ang kanyang ina ay French-Canadian. [3] Lumaki siya sa Washington, DC, at malapit sa Greenbelt, Maryland. [4] Nag-aral siya sa Greenbelt Middle School at Eleanor Roosevelt High School sa Greenbelt, [5] kung saan aktibo siya sa programa sa teatro. [6] Nag-aral siya sa Prince George's Community College, kung saan nag-aral siya ng drama, pagkatapos ay nagpatuloy sa pag-aaral ng drama sa Upright Citizens Brigade, kung saan nagsanay siya ng method acting, improvisation at performance.

  1. Wickman, Kase. "13 Things You Didn't Know About The Breakout Awesomeness That Is Rosa Salazar". MTV News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 10, 2019. Nakuha noong 2020-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Rosa Salazar: Movies, Photos, Videos, News, Biography & Birthday | eTimes". The Times of India. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 22, 2019. Nakuha noong 2020-06-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Rosa Salazar: From "Abbreviated" 'Bird Box' Role to James Cameron's 'Alita'". The Hollywood Reporter. Enero 11, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 14, 2019. Nakuha noong Enero 15, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Yamato, Jen (Enero 10, 2019). "Meet Rosa Salazar, the 'Bird Box' star who lends heart and soul to 'Alita: Battle Angel'". The Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 5, 2019. Nakuha noong Hulyo 5, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Rosa Salazar Age, Height, Ethnicity, Bio, Parents & Family". Celebrity XYZ (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Yes, That Was Rosa!" (PDF). Greenbelt News Review. Oktubre 6, 2011. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Setyembre 24, 2013. Nakuha noong Pebrero 16, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)