Rudy Baldwin
Rudy Baldwin | |
---|---|
Kapanganakan | [unknown] |
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | Psychic |
Kilala sa |
|
Si Rudy Baldwin ay isang kontrobersiyal na personalidad na nakilala online sa kaniyang mga social media posts na naglalahad ng mga vision o panghuhula sa mga diumano ay pangyayaring magaganap sa hinaharap. Lalong umugong ang kaniyang pangalan matapos itampok ang kaniyang mga hula sa mga palabas na KMJS at Rated K.[1] Ang kaniyang talambuhay ay isinadula sa telebisyon sa palabas na Magpakailanman noong 23 Enero 2021, na pinagbidahan ni Max Collins.[2] Hindi pa matukoy kung ang kaniyang totoong pangalan ay Rudy Baldwin o hindi.
Presensiya sa Social Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kaniyang Facebook page ay kasalukuyang mayroong higit sa 4.3 milyon na tagasubaybay pero ito ay bumaba na 3.9 milyon ayon sa datos nitong Agosto 2022.[3]
Mga Hula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga diumano ay nagkatotoong hula ni Madam Rudy Baldwin ay naging laman ng mga balita at pahayagan sa Pilipinas.
Pagpanaw ng mang-aawit na si Claire dela Fuente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Diumano ay nahulaan ni Rudy Baldwin ang pagpanaw ng tinaguriang Jukebox Queen na si Claire Dela Fuente. Ang kaniyang social media post tungkol sa “tatlong showbiz personalities na mamamatay” ay umani ng higit animnapu na libong Likes sa Facebook. Hindi tahasang pinangalanan ni Rudy Baldwin si Claire sa naturang post.[4]
Mga Reaksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ikinumpara ng ilang kritiko si Rudy Baldwin kay Madam Auring na isa ring kilalang manghuhula. Subalit mayroon ding mga personalidad katulad ni Mystika na hindi naniniwala sa mga hula ni Rudy Baldwin.[5]
Mga Puna
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga netizen a pumuna sa self-proclaimed clairvoyant na nagsabing nagdudulot lamang ng karagdagang pagkabahala at pangamba ang kaniyang mga social media post, at lalong nakasasama sa sikolohikal na kalusugan ng mga Pilipino sa kalagitnaan ng pandemya.[6]
Ayon sa lathalang lokal na The Cordilleran Sun, si Rudy Baldwin ay gumagamit ng mga ambiguous na mga hula ukol sa mga natural o likas na kaganapang talagang nangyayari sa mundo, tulad ng mga bagyo, sakuna, lindol , sunog, at mga kamatayan ng mga celebrity. Hini lahat ng hula niya ay tumatama, at kapag may tumama ay agad niyang aakuin ito. Mapapansin din daw na binubura niya ang mga posts na hindi nagkatotoo upang palabasin na hindi siya nagkakamali.[7]
Ayon naman kay Xian Gaza na kilala sa pagiging celebrity scammer, si Rudy Baldwin ay isa lang din maituturing na scammer na gumagawa ng mga pekeng prediksyon. It takes one scammer to know one, dagdag pa ng binata.[8]
Mga kontrobersiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa programang pangradyo at telebisyon na Raffy Tulfo In Action noong 18 Agosto 2021, isinangguni ng isang dating kliyente si Rudy Baldwin ukol sa kaniyang mga hula na diumano ay peke. Kasama rin sa mga nakapanayam sa programa ang dating manager ni Rudy Baldwin na ngayon ay isa na rin sa mga tumutuligsa sa celebrity psychic. Balak ng dalawa at ng iba pang diumano ay nabiktima ni Baldwin sa kaniyang panloloko at pagbebenta ng mga overpriced lucky charms na kasuhan ang manghuhula. Tumugon naman ang kampo ni Baldwin at ayon sa kaniyang abogado ay kakasuhan nila ang mga ginang dahil umano sa paninira sa kaniya.[9][10]
Ilan sa mga personalidad na hinulaan ni Baldwin na diumano ay sunod nang mamamatay ay nagpahayag din ng puna sa naturang psychic.[11][12]
Mga Eksternal na Link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- https://facebook.com/RudyBaldwn – Opisyal at beripikadong Facebook page ni Rudy Baldwin
Tingnan Din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Oktubre 2021) |
- ↑ https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/79239/rudy-baldwin-may-pitong-pangitain-para-sa-natitirang-limang-buwan-ng-2021/story
- ↑ Babala at pangitain: The Rudy Baldwin Story (Magpakailanman episode 370) on IMDB
- ↑ https://facebook.com/rudybaldwn
- ↑ Did Rudy Baldwin predict Claire Dela Fuente's death? | Bea Grace Pascual. Sagisag News. 30 Marso 2021
- ↑ https://pop.inquirer.net/114071/minus-the-crystal-ball-whats-up-with-rudy-baldwin
- ↑ https://philnews.ph/2021/07/24/rudy-baldwin-predictions-about-tragic-events-lambasted-online/
- ↑ https://www.cordilleransun.com/2021/08/rudy-baldwin-exposed-and-debunked-is.html
- ↑ https://www.msn.com/en-ph/news/other/xian-gaza-accuses-rudy-baldwin-of-being-a-fake-psychic-and-a-scammer/ar-AAMVy46?ocid=msedgdhp&pc=U531
- ↑ Raffy Tulfo in Action Reply Episode on YouTube
- ↑ https://kami.com.ph/133259-rudy-baldwin-nag-react-matapos-ipa-tulfo-ng-dating-manager-customer-see-court.html
- ↑ https://philnews.ph/2020/09/12/donnalyn-bartolome-exposes-truth-rudy-baldwins-predictions/
- ↑ https://bandera.inquirer.net/291125/piolo-pascual-damay-sa-isyu-ni-rudy-baldwin