Rudy Concepcion

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Rudy Concepcion' ay isa sa mga artista sa Pilipinas na pinakasikat noong huling mga panahon ng dekada 1930 at maagang panahon ng dekada 1940. Isa siyang Aktor at mahusay na mang-aawit.

Isinilang siya noong taong 1912 at gumanap sa unang pelikula niya ang Kundiman ng Puso na isang Dramang-Pagibig.

Taong 1938 ng pumirma siya ng eksklusibong kontrata para gumawa ng limang pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures. Ito ay ang mga obrang Paru-Parong Bukid na isang Musikal, ang Himagsikan ng Puso kung saan niya nakapareha si Rosa Aguirre at Mapait na Lihim na kapwa Pampamilyang-Drama.

Gumawa rin siya ng mabibigat na drama tulad ng Alipin ng Palad kung saan ginampanan ang isang papel na Kleptomaniac at ang Gabay ng Magulang.

Siya ay maituturing na may pinakamagandang boses sa kaniyang kapanahunan bago magkadigma. Ilan sa mga bidang babae na itinambal sa kanya na patok sa takilya ay sina Rosario Moreno para sa Tunay na Ina kung saan pinangungunahan ng batang aktres na si Tita Duran, Yolanda Marquez at si Fely Vallejo.

Isa sa pinakamatagumpay niyang pelikulang Musikal ay ang Pakiusap na hanggang ngayon ay maaaring mapanood sapagkat ang negatibo ay maayos pa.

Namatay siya noong 1940 sa sakit na peptic ulcer na sukat ikinadalamhati ng sambayanang Pilipino.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Trivia